^

PSN Showbiz

Pagsagip sa magkaibigang naipit ng van, ipapakita

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isasalaysay nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang naging pagsagip sa dalawang magkaibigang naipit sa ilalim ng van ngayong Miyerkules (Abril 24) sa Pinoy True Stories: Saklolo.

Patawid ng Araneta Avenue sa Quezon City ang limang magkakabarkada nang huminto ang paparating na delivery van para padaanin sila. Pero biglang binunggo ang nasabing delivery van ng isa pang trak sa likuran, kaya naman nabundol ng delivery van ang magbabarkada.

Dalawa sa kanila ang nahagip at ang masaklap, pumailalim sila sa delivery van at nakaladkad. Agad sumaklolo ang mga tao sa paligid at tulung-tulong nilang iniangat ang trak at nakagapang palabas ang isa sa kanila na si Greg. Hindi naman naging madali para kay Tin ang maisagip at nahimatay na ito dahil sa matinding pagkakaipit.

Samantala, iimbestigahan ni Karen Davila ang reklamo ng isang amo sa kanyang empleyado na nagnanakaw ito sa kanya ngayon (Abril 23) sa Pinoy True Stories: Engkwentro.

Tutukan ang Engkwentro ngayon (Abril 23) at ang Saklolo ngayong Miyerkules (Abril 24), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. 

 

vuukle comment

ABRIL

ARANETA AVENUE

DOMINIC ALMELOR

ENGKWENTRO

KAPAMILYA GOLD

KAREN DAVILA

MAAN MACAPAGAL

MIYERKULES

PINOY TRUE STORIES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with