^

PSN Showbiz

Pasabog na performance ng pamilya ni Isabel Granada, wagi sa It’s Showtime

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanghal na grand champion ang pamilya ni Isabel Granada sa Bida Kapamilya Celebrity Round: The Finals ng It’s Showtime noong Sabado (Abril 13) para sa kanilang nakakakilabot at makapigil-hiningang performance tampok ang pagsasayaw gamit ang apoy.

Panalo ang Granada family ng P1 milyon – na ang kalahati ay mapupunta sa napili nilang charity – matapos makakuha ng average score na 9.8 sa posibleng perfect score na 10 mula sa mga huradong sina Ruffa Gutierrez, direktor na si Rowell Santiago, choreographer na si Maribeth Bichara, at hosts na sina Vice Ganda at Jhong Hilario.

Ginulantang ng mag-anak ni Isabel ang madlang people para sa performance nilang pinaghalo ang fire dancing, pagsayaw na gamit ang roller skates, at ang pagbirit ni Isabel habang nakasakay sa nakalambitin na hula hoop.

Itinanghal namang first runner-up ang pamilya nina Gem at Duncan Ramos at nag-uwi ng P200,000, samantalang P100,000 naman ang nakuha ng wildcard winner at girl group na AKA Jam na pinangalanang second runner-up.

Nangibabaw ang galing ng pamilya ni Isabel maging sa una nilang performance noong Martes (Abril 9) na talaga namang pinag-usapan at nag-trend pa sa social networking site na Twitter. Ang Gra­nada family ang unang grand champion ng u­nang edisyon ng Bida Kapamilya Celebrity Round ng It’s Showtime kung saan 36 na celebrity families ang lumahok.

vuukle comment

ABRIL

ANG GRA

BIDA KAPAMILYA CELEBRITY ROUND

DUNCAN RAMOS

ISABEL GRANADA

ITINANGHAL

JHONG HILARIO

MARIBETH BICHARA

ROWELL SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with