Drew bibiyahe sa Pagudpud
MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes, simula na ang summer special ng Biyahe ni Drew at ang unang destinasyon ng ultimate biyaherong si Drew Arellano — Pagudpud, Ilocos!
The sand, the wind, and the surf, lahat daw ito ay makikita sa Pagudpud. If you’re on a tight budget, you can go on a 10-12 hour land trip via bus or private vehicle. Pero kung nagmamadali at may pang-plane fare naman, you can take a 45-minute flight from Manila to Laoag City tapos two-three hours na lang ang land trip from Laoag to Pagudpud.
Pagdating naman sa accommodations, may mga rekomendasyon si Biyahero Drew. First on his list is the high-end Hannah’s Beach Resort and Convention Center, isang beachfront resort na mula P3,000-20,000 ang price range ng mga kuwarto! Pumapangalawa naman ang Kapuluan Vista Resort at P1,300 to P4,750 a night. At kung talaga namang kapos ang budget mo o gusto mong maranasan ang local lifestyle, puwede kang mag-homestay o makitira sa bahay ng isang pamilya for P250 a night. Tiyakin lang na accredited ng Department of Tourism ang homestay na napili mo.
Dahil nakaharap sa West Philippine Sea ang Pagudpud, maganda ang panahon at medyo malakas ang bugso ng hangin sa summer kaya perfect ito para sa kite surfing! Aabot ng P2,300 ang isa’t kalahating oras ng intro lesson nito. Medyo mahal pero para sa mga sumubok nito ay sulit na. Sabi nga ng ibang mga biyahero, Pagudpud is not one of the Top 10 Kite Surfing Destinations for nothing! At nasa Pagudpud na lang din kayo, mag-surfing lessons namula kay Drew!
Last but not the least, pupuntahan ni Drew ang Bangui windmills — ang mga higanteng istruktura na nagsu-supply ng halos 40%ng enerhiya sa buong Ilocos Norte!
Sabi nga ng TV host, “It’s a must na puntahan ninyo. It’s just 15 minutes off the highway, libre pa!â€
Pagdating naman sa kainan, hindi rin magpapahuli ang Pagudpud. Bukod sa traditional Ilocano cuisine sa Evangeline’s, sasampulan din ni Drew ang German cuisine sa Bergblik at ang Italian fare sa Tartarugas. At bago siya bumalik ng Maynila, dadaanan muna niya ang Kangkang para matikman ang crispy lechon at pinakbet!
Sama na sa summer special ng Biyahe ni Drew simula ngayong Biyernes, 10:00 p.m. sa GMA News TV.
- Latest





















