Temptation… naging imposible na ang kuwento!
SEEN: Ang consistent galit school of acting ni Lauren Young sa Mundo Mo’y Akin.
SCENE: Kahapon ang unang araw ng shooting ni Gretchen Barretto para sa The Diplomat Hotel. Sa Baguio City ang shooting ng kauna-unahang indie movie ni Gretchen na official entry sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.
SEEN: Warriors ang tawag ni Marvin Agustin sa siyam na contestants ng Karinderya Wars, ang kauna-unahang reality cooking show ng TV5.
SCENE: Malungkot si Gelli de Belen dahil natapos na ang siyam na buwan na hosting job niya sa Face to Face. Mami-miss ni Gelli ang staff ng Face to Face at ang mga guest ng programa.
SEEN: Dapat nang tapusin bukas ang Temptation of Wife dahil nagiging imposible na ang flow ng kuwento.
SCENE: Impressive ang promo teaser ng On the Job, ang upcoming movie ng Star Cinema. Mga bida sa OJT sina Piolo Pascual at Gerald Anderson.
SEEN: Ang sagot ni Dennis Adriano aka Onyok sa mga Facebook litany ng kanyang nanay na si Rosanna Roces: “You posted for people not to judge you about family problems.. and yet you posted it first here on Facebook. Well, that’s disturbing. Not even a scratch or cut on my lip. Keep talking, its entertaining them.â€
SCENE: Ngayon ang special preview sa Mowelfund Plaza ng Bayang Magiliw, ang indie movie na tinatampukan nina Wendell Ramos, G Toengi. Sue Prado, at Lloyd Samartino.
- Latest