^

PSN Showbiz

Bangayan ng asawa at kabit, sisiklab sa “Engkwentro”

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susundan ni Karen Davila ang love triangle sa pa­gitan ng isang babae, ang kanyang mister, at ng dating matalik na kaibigan na naging kabit ngayong araw sa Pinoy True Stories: Engkwentro.

Kumalat ang tsismis na may relasyon ang mister ni Jenalyn at ang kaibigan nitong si Mary Jane ngunit hindi siya naniwala at pinagtanggol pa ang dalawa. Hanggang sa mahuli niya sa akto ang kanilang pagtataksil at nagdesisyong lumayo na sa probinsiya.

Nangako man ang kabit na si Mary Jane na siya’y la­layo na, umaaligid pa rin daw ito. Magkakaayos pa kaya ang dating magkaibigan?

Samantala, babalikan naman nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa PInoy True Stories: Saklolo ngayong Miyerkules (March 27) ang kalagayan ni Nanay Mildred na kumakayod at nag-aalaga ng tatlong anak niyang may sakit sa pag-iisip. Una nang itinampok sa programa ang kuwento at hinagpis ni Nanay Mildred na inilapit ng isang concerned citizen.

vuukle comment

DOMINIC ALMELOR

ENGKWENTRO

HANGGANG

KAREN DAVILA

MAAN MACAPAGAL

MARY JANE

NANAY MILDRED

PINOY TRUE STORIES

TRUE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with