^

PSN Showbiz

Sino si Jane Yoon?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging astig na bodyguard na naka­bighani sa misteryosong City hunter hanggang sa pagiging isang babaeng nagpanggap na lalaki sa paaralan ng Sungkyunwan, gagampanan naman ngayon ng Korean sweetheart na si Park Min Young ang isang nursing aid na walang ibang maalala sa kanyang nakaraan maliban ang pa­nga­lan niya sa seryeng Glory Jane na mapapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.

Isang masayahin at positibong dalaga si Jane na determinadong magsikap para magkaroon ng magandang buhay kahit na wala siyang anumang maalala sa kanyang nakaraan. Ang tanging alam niya ay iniwan siya ng isang lalaki sa ampunan at mariing ibinilin sa kanya na huwag niyang kalimutan ang kanyang pangalan – Jane Yoon.

Hinanap ni Jane ang lalaking ito sa pag-asang lubusang makilala ang kanyang pagkatao at sa paniniwalang ito ang kanyang tunay na ama.

Papalarin siyang ma­kita ang lalaki ngunit ma­bibigo magkaroon ng ama dahil ang lalaking ito ay may sarili na palang pamil­ya at ang panganay nitong anak na si Ryan Kim (Chun Jung-Myung) na isang baseball player, ay dati niyang pasyente. 

Nagpasya si Jane na manirahan sa bahay ng lalaking ito kung saan kakaharapin niya ang dalawang pinakamabigat na laban ng kanyang buhay— ang laban para matuklasan ang kanyang tunay na pinagmulan at ang laban para supilin ang nararamdaman sa lalaking kinikilala niyang kapatid. 

Sa unti-unting pagsiwalat ng katotohanan, makikilala rin ni Jane ang tunay na kaaway at malalaman n’ya ang mga bagay na ipinagkait sa kanya.

 

vuukle comment

CHUN JUNG-MYUNG

GLORY JANE

HINANAP

ISANG

JANE

JANE YOON

KANYANG

PARK MIN YOUNG

RYAN KIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with