^

PSN Showbiz

Jake dumadaan sa workshop on the air

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Salamat nga pala sa kasamahan ko rito sa Pilipino Star NGAYON na si Veronica Samio sa maganda nitong komento tungkol sa alaga kong si Jake Vargas. Sabi niya ay  kilalang solo artist ito kaya huwag ko nang pakakantahin na kasama ang mga grupo sa Walang Tulugan dahil sumasablay minsan dahil nga live ang mga kinakanta, at baguhan lang sila!

Alam ko concerned ka kay Jake kapag nangyayari ang ganito but I dare say na kaya itong lusutan ng alaga ko. Ang mahalaga ay nabibigyan niya ng inspirasyon ang mga nagsisimulang singers sa Walang Tulugan. If he can help and inspire them by joining them sa kanilang mga production numbers, well and good.

Ginagawa kong workshop on the air ‘yung mga pinapagagawa ko sa mga baguhang kasama sa show. Kaya huwag kayong magugulat kung marami sa kanila ang hindi perfect ang performance. It’s part of their workshop.  Bukas makalawa ay gagaling din sila.

Pagkakasali ni David Pomeranz sa Walk of Fame, pinalagan!

Sabi ko na nga ba at magkakaroon na naman ng reaksiyon sa marami ang ginawa kong paglalalagay ng pangalan ni David Pomeranz sa Eastwood Walk of Fame. Katuwiran kasi ng marami, para sa mga Filipino artist lamang ang parangal na ito at hindi para sa mga dayuhan na tulad ni Pomeranz at dati, ni Jacky Woo.

Oo nga’t mga dayuhan ang dalawang nabanggit na artists, pero higit pa ang naitulong nila sa mara­ming kababayan nating Pilipino at ako mismo ay saksi sa pagkakaroon nila ng pusong Pinoy at pagmamahal sa ating bayan at kababayan.

Chiz at Heart, nagtutulungan

Mukhang talagang maganda  para sa isa’t isa sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. Ang taas ng ratings ng boyfriend ni Heart bilang senatoriable. Biruin mo, sa mga survey hindi ito bumababa ng No. 3. But then, maganda rin naman ang record nito sa Senado. Nagtatrabaho ito at kilala rin namang matalino. 

Kris grabeng mamigay

Grabe naman si Kris Aquino kung magregalo sa mga viewers niya! Kahit masamang mainggit, inggit na inggit si Vero dahil loyal viewer din siya ni Kris. At love niyang makatanggap din ng ganun karaming gifts. Pero hindi siya kasing-suwerte nila, hindi nga siya nananalo sa mga raffles eh, kaya magkakasya na lang siyang mainggit nang mainggit nang mainggit.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

DAVID POMERANZ

EASTWOOD WALK OF FAME

HEART EVANGELISTA

JACKY WOO

JAKE VARGAS

KRIS AQUINO

PILIPINO STAR

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with