^

PSN Showbiz

Anak ni Gretchen rumarampa na rin!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Pinagbigyan ni Gretchen Barretto ang request ni Ben Chan na rumampa sa fashion show ng American Eagle Outfitters ang kanyang 18-year-old daughter na si Dominique Cojuangco. na nung Sabado lang nag-debut.

Ang Bench company ni Ben ang nagdala sa Pilipinas ng American Eagle Outfitters.

SCENE: May paniniwala si Sammy Lagmay na niloko ito ni Dinky Doo dahil sa kanyang sinabi na kung hindi pa siya nagsalita sa Startalk, hindi gagawa ng paraan si Dinky Doo na makausap siya.

Nagkaayos na ang dalawa dahil dumalaw si Dinky Doo kay Sammy na nagalit dahil hindi niya natanggap ang tulong na ipinangako sa kanya.

SEEN: May Facebook account ang nakakulong na aktor na si Dennis da Silva. Ipinapahamak si Dennis ng administrator ng kanyang Facebook account dahil bawal sa Pasig City Jail ang mga computer at ibang communication gadget.

SCENE: Dinayo ng mga pulitiko ang Panagbenga Festival kahapon sa Baguio City. Kanya-kanya sila ng gimik para mapansin ng mga botante.

SEEN: Sakay si Sen. Bong Revilla, Jr. at ang co-stars niya sa float ng Indio sa Panagbenga Festival parade.

SCENE: Sina Robin Padilla, Jason Francisco, at Melai Cantiveros sa ABS-CBN float sa Panagbenga Festival. Dinumog ng mga tao ang mga artista na kasali sa parada.

SEEN: May nabago sa mukha ni Cindy Miranda, ang dating co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime at kandidata sa Bb. Pilipinas 2013.

 

vuukle comment

AMERICAN EAGLE OUTFITTERS

ANG BENCH

BAGUIO CITY

BEN CHAN

BONG REVILLA

CINDY MIRANDA

DINKY DOO

DOMINIQUE COJUANGCO

PANAGBENGA FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with