^

PSN Showbiz

Kylie at Aljur magkasundo sa pagluluto

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ipinagmamalaki ni Aljur Abrenica na bilang isang Kapampangan ay mahusay siyang magluto. Unfortunately, bukod sa kanyang pamilya ay tanging ang girlfriend niyang si Kylie Padilla ang nakakatikim ng kanyang mga niluluto. “Ipinagluluto ko siya ng tuna pasta at talagang nakikita kong nagugustuhan niya. Hindi naman ako mayabang sa aking kaalaman sa kusina. Pero dahil magaling ding magluto ang mom ko, ang sarili ko lang ang ipinagluluto ko. Buti nariyan si Kylie who is happy to share my love for cooking,” sabi ng aktor na nakilala na ang ama ng kanyang girlfriend at ganun din ito sa pamilya niya.

Gina natakot idirek si Ipe

Medyo may kaba na naramdaman si Gina Alajar nang makasama sa cast ng ididirek niyang bagong teleserye sa GMA ang matagal nang kasamahang artistang si Phillip Salvador. Kahit matagal na silang magkakilala at nagkasama na rin sa ilang mga project, first time niya na idirek ang premyadong aktor.

 â€œIntimidated ako sa kanya nung una. Alam kong mahusay siyang aktor pero madali ba siyang idirek?” ang unang tanong ng direktor sa kanyang sarili. “Hindi ko alam ang working habits niya. Kaya nag-usap muna kami. Okay siya, nakikinig, walang ere. Nagtatanong din kapag may gustong malaman kaya bow ako sa kanya. Hindi lang siya magaling, marunong din siyang magpahalaga sa kanyang direktor.”

Ang magaling na aktres ang siyang humahawak ngayon ng bagong romantic-fantasy drama na Unforgettable.

Tungkol sa isang couple, sina Anna (Kylie Padilla) at Ed (Mark Herras) na parehong pinupursige na makatapos ng kanilang pag-aaral para makabuo ng isang masayang pamilya. Pero hindi umayon sa kanila ang kapalaran. Namatay si Ed at magiging pangunahing suspect sa kanyang pagkamatay si Anna. Makukulong ito pero makakalabas din dahil wala naman talagang pagkakasala.

Kevin Santos nagtitiyaga sa nilagang kamote at 24 puti ng itlog araw-araw

Nakakagulat na makita na napakapayat na ni Kevin Santos. Iisang buwan pa lamang pero 45 lbs. na ang nawawala rito dahil sa walang humpay na workout. Nagsawa na siya na marinig sa kanyang mga kasamahan ang kanyang katabaan kung kaya bigla na lang naisip niyang magpapayat. Isang buwan na siyang kumakain ng nilagang kamote at 24 na puti ng itlog araw-araw. Mga dalawang buwan pa ay maabot na niya ang tinatarget niyang pangangatawan.

Hindi lamang naman ang pagpayat niya ang nakapagpapasaya ngayon sa aktor. Masaya ito na nabalikan niya ang role na huli niyang ginampanan sa Basahang Ginto.

“Gustung-gusto kong gumanap ng role ng kontrabida pero lately pawang mga gay role ang ina-assign sa akin. Buti na lang at dito sa Unforgettable ay kontrabida na naman ako,” sabi ng artista na nagmukhang yummy na sa kanyang bagong pangangatawan.­

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BASAHANG GINTO

BUTI

GINA ALAJAR

KANYANG

KEVIN SANTOS

KYLIE PADILLA

MARK HERRAS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with