^

PSN Showbiz

Sen. Bong hindi pinatulan ang patutsada ni P-Noy

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanahimik na lang si Sen. Bong Revilla, Jr. sa patut­sada ni President Noynoy Aquino tungkol sa mga pulitikong gumagamit ng mga agimat sa eleksiyon. Nasa Cavite ang presidente nung isang araw upang suportahan ang partido ng makakalaban ng anak na si Jolo Revilla na tatakbo bilang bise gobernador ng Cavite.

Kahit inanunsiyo ng Lakas party na si Sen. Bong ang ilalaban nilang president sa 2016 elections, naging tahimik din ang bida ng Indio sa pahayag na ‘yon. Tutal naman, matagal pa ang eleksiyon sa national position kaya ayaw muna niyang isipin ’yon.

Pagdating naman kasi sa kritisismo kay Senador Bong sa pulitika, never siyang naging combative. After all, pumasok siya sa pulitika upang maglingkod at hindi upang makipagbangayan.

But when pushed to the limits, lalo na ’pag pamil­ya ang binibira, siguradong handa rin siyang ma­ngat­wiran at lumaban, huh!

Labanan ng best actor at best actress kaabang-abang sa ENPRESS

Gaganapin sa March 1 ang 2012 Golden Screen Awards for Television ng Entertainment Press Society (ENPRESS) sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City.

Isa sa category na kaabang-abang ay ang labanan ng best actress at best actor sa drama series. Sa Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series, ang maglalaban ay sina Alessandra de Rossi – Legacy; Dawn Zulue­ta – Walang Hanggan; Lovi Poe – Lega­cy; Ma­rian Rivera – Amaya; Nora Aunor – Sa Ngalan ng Ina, at Zyriel Manabat – 100 Days.

Sa Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series, mag-aagawan sa trophy sina Alden Richards – One True Love; Coco Martin – Walang Hanggan; Dingdong Dantes – My Beloved; Gerald Anderson – Budoy; Jericho Rosales at Piolo Pascual – Dahil sa Pag-ibig; at Richard Gomez – Walang Hanggan.

Sa Outstanding Original Drama Series, ang mga nominado ay ang Legacy, One True Love, Munting Heredera, at Amaya ng GMA 7 at Budoy, 100 Days to Heaven, Dahil sa Pag-ibig, at Walang Hanggan ng Channel 2 at Sa Ngalan ng Ina ng TV5.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AMAYA

BONG REVILLA

BUDOY

DRAMA SERIES

ONE TRUE LOVE

SA NGALAN

SA OUTSTANDING PERFORMANCE

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with