^

PSN Showbiz

Indio may aalaming katotohanan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang na si Rosa (Maxene Magalona) at saksi si Esperanza  (Jennylyn Mercado) sa karumaldumal na pangyayari!

Mababanggit ni Esperanza sa aliping si Elena (Vaness del Moral) na may nagawang kasalanan ang kaniyang ama, at nang dumating si Indio (Sen. Bong Revilla, Jr.) para ibalitang patay na si Rosa ay mapagtatanto ni Elena na may kinalaman ito sa nasabi ng amo.

Hihingi ng pahintulot si Indio kay Juancho (Michael de Mesa) na sa­lakayin at patayin ang mga taong kumitil sa buhay ng kaniyang iniirog. Uusigin ng konsensya si Esperanza at susubukan nitong tapatin si Indio ng kaniyang nalalaman—pero bago pa makapagsalita ang babae ay mahuhuli sila ni Juancho na nag-uusap!

Sisimulan na rin nina Indio ang paglalakbay patungong ilaya—pero bago pa man siya makarating sa mga contra costa, haharangin na siya ni Magayon (Rhian Ramos). Pagsasabihan ng diwata si Indio na muling mag-isip sa kaniyang binabalak gawin, dahil walang katuturan ang binabalik nitong paghihiganti. 

Magagawa bang baguhin ni Magayon ang isip ni Indio? At malalaman ba ng lalaki ang katauhan ng tunay na pumaslang sa kanyang pinakamamahal na Rosa?

Susugurin na ni Indio (Bong) ang banwa ng mga dumukot kay Rosa pero bago masabi ng pinuno kay Indio ang katotohanan, makikitil na ni Her­nando (Chinggoy Alonso) ang buhay nito. 

Magkakaroon ng sagupaan sa ilaya, na siya namang pipigilan nina Lalahon (Solenn Heussaff) at LIihangin (Ehra Madrigal). Malalaman ni Indio ang kanilang ginawa at magagalit muli ang itinakda sa mga diwata. Paliliwanagan ng mga ito si Indio na ma­li ang mga taong tinutugis niya—na kailangan nitong balikan ang pinanggalingan para malaman ang ka­totohanan. 

Sa pagbalik ni Indio sa ilawod, kakausapin nito si Esperanza (Jennylyn)tungkol sa nais nitong ipagtapat noon. Ngunit dahil napakitaan na ng kaunting pagmamahal ng amang si Juancho, hindi na nito magagawang ipagkanulo ang sariling ama. 

Malaman pa kaya ni Indio ang katotohanan sa pagkamatay ni Rosa?

Kukumprontahin na ni Indio si Juancho sa tunay niyang kinalaman sa pagkamatay ni Rosa (Maxene Magalona), pero itatanggi ng Kastila ang lahat ng pa­ratang sa kaniya. Hihimukin niya si Indio na ’wag ma­kinig sa iba dahil ito lang ang nagmamalasakit sa kaniya.

Matapos malaman ni Esperanza ang nagawa ni Indio para ipaghiganti ang pagpaslang kay Rosa, babagabagin ito ng kanyang konsensiya kaya naman masasabi niya kay Elena (Vaness del Moral) ang lahat ng nalalaman niya. 

Ngunit dahil hindi kabisado ang kalakaran sa ila­wod, agad malalagay sa panganib ang buhay ni Mayang! Aba­ngan ito sa Indio, gabi-gabi, sa GMA 7.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

CHINGGOY ALONSO

EHRA MADRIGAL

ELENA

ESPERANZA

INDIO

JUANCHO

MAXENE MAGALONA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with