^

PSN Showbiz

TugStugan na! nonstop na sa tawanan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong 2013, lalong hindi paaawat ang Ba­rangay LS 97.1 sa paghahatid ng saya at mga pina­ka­bagong music trend sa radyo sa pamamagitan ng third wave ng TugStugan Na! campaign.

Matapos ang isang matagumpay na 2012, kung saan nakamit ng Barangay LS ang parangal bilang Best FM Station sa Yahoo! OMG Awards, tinanghal naman ito kamakailan bilang Best FM Station sa 2013 UPLB Gandingan Awards.

Kaya naman, lalong mas pinasaya ang mga crazy fun program at segment ng FM radio station ng Kapuso Network na patok na patok sa mga tagapakinig ng FM radio.  

Simula na ng “nonstop na TugStugan, nonstop pa sa tawanan” kasama si Papa Tolits tuwing 3:00 a.m. sa Hoy! Pinoy kung saan mapapakinggan ang best OPM songs na may kasama pang early mor­ning kulitan sa mga tagapakinig ng programa.

Makisaya naman sa kuwelang barkada nina Papa Jepoy, Papa Bodjie, Mama Cy, at Chikoti­ta sa Potpot and Friends, mula Lunes hanggang Sabado naman, 6:00 a.m. to 9:00 a.m.

Susundan ito ng Radyo Nobela nina Papa Du­dut at Ate Liza na kapwa handang maghatid ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig, Lunes hanggang Sa­bado, 9:00 a.m. to 12:00 n.n.

Makakapiling naman sa Barangay LS tuwing oras ng pananghalian si Mama Belle sa Sikat sa Ba­rangay na sasamahan pa ng iba’t ibang celebrities bilang guest co-hosts.

Nananatili namang paboritong takbuhan para sa mga advice ang tandem nina Papa Kiko at Papa Obet sa Talk to Papa. Mapapakinggan ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 1:00 to 3:00 p.m. at tuwing Sabado, mula 12:00 n.n. hanggang 3:00 p.m.

Hatid naman ng Three Play ang mga most requested hits kasama sina Papa Baldo at Papa Carlo, Lunes hanggang Sabado, 3:00 to 9:00 p.m.

Samantala, nariyan para sa mga loveless ang Wanted Sweetheart, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m. to 12 m.n. Humanda nang kiligin sa mga hirit ng callers kasama ang resident matchmaker na si Papa Dan.

Mapapakinggan din sa Barangay LS ang ibang weekend programs tulad ng Barangay Love Stories, Barangay Love Songs, The Big 10, Barangay Idol, at marami pang iba.

Dapat ding abangan ang mga bagong TVC ng Barangay LS na kinatatampukan nina Kapuso lea­ding lady Louise delos Reyes, Party Pilipinas’ hit pop group Down to Mars, comic duo nina Maey Bautista and Betong Sumaya, Kapuso heartthrob Benjamin Alves, at ang tinitiliang love team nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona.

Kasalukuyang ipinapalabas ang mga ito sa GMA 7, habang una namang mapapanood ang music video sa Feb. 1 sa 24 Oras.

vuukle comment

ATE LIZA

BARANGAY

BARANGAY IDOL

BARANGAY LOVE SONGS

BARANGAY LOVE STORIES

PAPA

SABADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with