Mayor Herbert inilambitin sa 5th floor ng condo!
MANILA, Philippines - Matitinding eksena agad ang ipinagawa ni Direk Randy Santiago kay Mayor Herbert Bautista sa first shooting day ng Raketeros. Umaga pa lang ay ratsada na sa mga eksena ang public official sa Central Condominium sa Quezon City.
Wala namang reklamo si Bistek nang sabihin sa kanyang ilalambitin siya sa 5th floor ng condo bilang bahagi ng eksenang kukunan, tatalon sa trak ng basura, upang matakasan si Buboy Garovillo na gaganap na asawa ni Rufa Mae Quinto na gusto siyang gahasain!
In between his scenes, maya’t maya ay dumarating ang ilang opisyal ng City Hall upang bisitahin ang kanilang boss. Eh, ayon naman kay Mayor Herbert, wala namang sagabal sa trabaho niya bilang mayor at artista.
“I saw to it na inayos naming mabuti ang schedules ng shooting. Once or twice a week lang ang shooting namin, so, mas malaki pa rin ang oras na inilaan ko bilang public official,†katuwiran ni Mayor Herbert sa amin.
Naniniwala naman siya na ang brand ng comedy noon ay halos hawig din ng brand ng comedy ngayon. Wala ring dahilan upang ma-insecure siya sa mga sikat na comedians ngayon.
“It’s still the same brand of comedy. Bago lang ang mga artista. Pero sa movie namin, we will see to it na walang masyadong slapstick. Situational ang dating nito and more on verbal and physical.
“Natutuwa nga ako dahil buhay pa ang comedy. So, uso pa rin kaming lahat dito! Hahaha! We are aware of the brand of comedy today and I think kaya rin naming gawin ’yon,†paliwanag ng actor-turned politician.
Inaakala ng mga tao na tanging si Herbert lang ang producer ng Raketeros under Heaven’s Best Entertainment. Ang mga kapatid niyang sina Hero at Harlene ang namamahala sa production, negotiation sa mga artista at nakikipag-usap sa distributor ng movie.
“Heto lang ako, artista. Sila ang hands-on sa production although tinatanong din nila ako. MaraÂming investors dito at si Harlene, kailangan niyang mangutang sa banko upang matustusan pa ang ilang kailangan sa movie,†paliwanag niya.
Hindi lang produkto ng isipan niya ang pagkaÂkabuo ng Rakereteros. Katulong niya ang co-stars niyang sina Ogie Alcasid, Andrew E., Dennis Padilla, Long Mejia, Joey Marquez, at Randy Santiago sa pagbubuo ng kuwento at pag-oobserba sa usong komedya ngayon.
Upang hindi naman maakusahang magiging political propaganda niya ang Raketeros sa daraÂting na kampanya, ipalalabas ang pelikula pagkatapos ng May election at magsisilbi ring birthday presentation ito ni Mayor Herbert.
- Latest
























