^

PSN Showbiz

Asawa ng kilalang aktor biyudo ang bagong karelasyon!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ipapasilip sa H.O.T. TV kung paano nabuo ang bagong epicserye ng GMA 7 na Indio. May isi-share dito si Sen. Bong Revilla.

Nakakaintriga rin ang hindi ordinaryong kuwento nila tungkol sa dating asawa ng kilalang aktor na may bagong karelasyon na raw ngayon na isang biyudo. May ideya kami kung sino ito na may mga kuha ng biyahe nila sa ibang bansa.

PAK : Sandaling nagbakasyon si Alfred Vargas kasama ang asawa niyang si Yasmine Espiritu sa Hawaii dahil pagbalik nito ay magiging abala na siya sa darating na eleksiyon.

Si Alfred sana ang napipisil na makasama ni Sunshine Dizon sa guesting niya sa Magpakailanman pero paalis na kasi ito kaya hindi siya pumuwede.

May ilan pang TV guestings sanang binibigay sa kanya, pero tinanggihan niya ito dahil gusto raw niyang ibuhos muna ang panahon sa kanyang pamilya bago siya maging abala sa eleksiyon.

BOOM: Ayaw na muna ni Sarah Lahbati magsalita tungkol sa demanda­hang isinampa sa kanya ni Atty. Annette Gozon-Abrogar at ng GMA 7 dahil mas mabuting manahimik daw muna siya.

Ayon sa young actress, magsasalita rin daw siya sa tamang panahon.

Nagpalit na muna ito ng numero ng cell phone dahil ang dami na raw nanggugulo sa kanya.           

Hindi rin niya masasabi kung kailan ang alis niya pa-Switzerland dahil gusto rin sana niyang mapanood ang Seduction nila ni Richard Gutierrez.­

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BONG REVILLA

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

SI ALFRED

SUNSHINE DIZON

YASMINE ESPIRITU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with