^

PSN Showbiz

Babae sa ‘The Animals’ ipinalit ni Albie kay Andi!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahit naging kontrobersiyal si Albie Casiño noon ay masaya naman na raw siya sa buhay niya ngayon. Matatandaang naging masalimuot ang relasyon nila ni Andie Angeinmann at nasangkot din sa ilang gulo ang binata. Pagkatapos daw ng unos sa kanyang buhay ay muli raw nakabangon si Albie. “At least now I get to finish high school. I am currently in first year college studying Export Management,” nakangiting bungad ni Albie.

Mayroon daw natutunan ang binata sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan noon. “I just learned to be more careful with everything you do. Pag-iisipan mo talaga lahat ng gagawin mo. You can’t just do something without thinking,” seryosong pahayag ni Albie.

Ngayon ay napababalitang si Dawn Balagot na raw ang bagong karelasyon ng binata. Isang baguhang aktres si Dawn at may ilang mga larawan daw ang dalawa na sinasabing sweet ang makikita sa Internet. “Uhm…hahaha! I’m taking it one step at a time. She’s great, we did an indie film together, The Animals. Siya na lang ang tanungin n’yo. I’m enjoying her company,” makahulugang pagtatapat ng aktor.

Enchong dadalhin ang pamilya sa Taipei

Sa Taipei nakatakdang ipagdiwang ni Enchong Dee ang bagong taon kasama ang kanyang buong pamilya. Malaking bagay daw ito para makapag-bonding rin ang aktor kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. “Siyempre kasi nga for the whole year 2012 sobra akong naging busy, sobrang hectic ng schedule so that time is for the whole family,” nakangiting pahayag ni Enchong.

Maganda rin daw ang naging takbo ng buhay pag-ibig ng binata ngayong taon at mayroon din siyang natutunan dahil dito. “’Yung natutunan ko about love dapat you always know where it stands sa priorities mo. ‘Yung love life ko hindi naman medyo malungkot, masaya naman ako, pero tahimik lang, ganun,” paliwanag ni Enchong.

Nilinaw din ng aktor ang isyung pinagseselosan niya si Coco Martin dahil sa pagiging malapit nito kay Julia Montes. “Wala namang selos na nangyayari. May nag-text pa nga sa akin na para ‘yun sa promo nila sa show nila sa States. Sabi ko hindi n’yo naman kailangang magpaalam sa akin. Okay na okay lang naman ako sa ganung mga bagay, I’m very supportive,” paglilinaw ng binata.

Aminado rin ang binata na tatlong buwan pa ang kanyang hinihintay para makapag-18 years old na si Julia at opisyal na niya itong liligawan. Masaya naman daw si Enchong sa kanyang pagiging single sa ngayon. “It feels the same. For the longest time I’ve been single, wala namang longing. Wala naman, kasi you have a lot of friends to keep you company. So when you relinquish your crowd, we have more time together,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDIE ANGEINMANN

COCO MARTIN

DAWN BALAGOT

ENCHONG

ENCHONG DEE

EXPORT MANAGEMENT

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with