^

PSN Showbiz

SOCO makikidalamhati sa gitna ng kapaskuhan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Paano nga ba bumabangon ang mga pamilya at kaibigang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa isang malagim na krimen? Paano nila ipinagdiriwang ang Pasko sa kabila ng kasawian?

Sa Pamaskong handog ng SOCO ngayong Sabado (Dec. 22), itatampok ni Gus Abelgas ang iba’t ibang sitwasyong kinasadlakan ng mga taong naapektuhan ang buhay dahil sa pagkawala ng kapamilya, kabilang na ang isang pitong taong gulang na batang na-trauma matapos masaksihan ang pagpatay sa kanyang lola ng kanya mismong ama.

Makikilala rin ang pamilya Dela Cruz na labis ang pagdadalamhati matapos mapatay ang kanilang haligi ng tahanan at kapatid na si Julieta, isang tutor na napagtangkaang samantalahin ng isang driver ng kanyang tinuturuan.

Survivor kung maituturing si KC, matapos siyang bugbugin ng isang menor de edad na suspek din sa pagpatay ng kanyang kaibigan. Susunod niyang ipag­lalaban ang katarungan sa namatay na kaibigan dahil ang suspek ay nagtatago hanggang ngayon.

Pilit namang magbagong buhay si Miraflor, na nasaksihang paslangin ang kanyang ina at dalawang kapatid ng kanyang dating kinakasama.

Ani Miraflor, sana ay naging mas matapang siyang iwan ang dating kasintahan dahil sa paulit-ulit na pambubugbog nito bago paslangin ang kanyang mga kapamilya.

Saksihan ang kanilang kuwento kasama si Gus ngayong Sabado ng hapon (Dec. 22) sa SOCO pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.

ANI MIRAFLOR

DELA CRUZ

GUS ABELGAS

JULIETA

KANYANG

MAKIKILALA

PAANO

SA PAMASKONG

SABADO

SHOWBIZ INSIDE REPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with