^

PSN Showbiz

LUV U barkada dadalhin ang kilig sa Villa Escudero…

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wagi ang kilig at tawanan sa Luv U dahil inuwi nito ang Best Youth Oriented Show Award mula sa nagdaang PMPC Star Awards for TV kamakailan kung saan full force silang dumalo at umakyat ng stage para kunin ang award.

“Hindi po talaga kami makapaniwala kasi po pag nasa set po kami para lang po kaming nagkukulitan magbabarkada. Enjoy na enjoy po kami sa ginagawa namin at nakakatuwa pong malaman na marami rin po kaming napapasaya,” ani Miles Ocampo, isa sa mga lead stars ng teen comedy show.

Wish naman ni Kiray Celis na sana mas marami pa silang ma-inspire at mapasaya. “Para sa mga magkakaibigan, sa mga nagmamahalan, at sa mga magulang at kapatid, ipagpatuloy lang po natin ang pag-spread ng ‘Luv’. 

Ang Luv U ay binubuo ng former Goin’ Bulilit stars na sina Miles Ocampo, Angeli Gonzales, Kiray Celis, CJ Navato, Igi Boy Flores at Alfred Labatos kasama ang YouTube singing sensation na si Rhap Salazar at newbie heartthrob na si Marco Gumabao.

Samantala ngayong Linggo (November 25) sa Luv U, pupunta ang magpipinsang Camille (Miles), April (Angeli) at Whitney (Kiray) kasama ang kanilang Lola Paula (Joy Viado) sa mala-paraisong Villa Escudero dahil nais ni Lola Paula makatulong mag-move on si Camille pagkatapos ng pakikipaghiwalay nito sa nobyong si JB (Marco). Susunod naman ang tatlong boys na sina JB (Marco), Boom (CJ)at Rocky (Igi) dahil gusto ni JB na magpaliwanag at mabawi si Camille.

Ano ang gagawin ni JB upang magkabalikan ulit sila ng nobya? Alamin sa award-winning teen comedy series  ngayong Linggo (November 25) pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

ALFRED LABATOS

ANG LUV U

ANGELI GONZALES

BEST YOUTH ORIENTED SHOW AWARD

CAMILLE

IGI BOY FLORES

KIRAY CELIS

LOLA PAULA

LUV U

MILES OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with