^

PSN Showbiz

Da Pogi & Da Bomb magpapainit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapasaya, magpapainit, at magbubuwis-bu­hay ang pangunahing all-female dance group na Sexbomb dancers sa show na Da Pogi & Da Bomb na gaganapin ngayong Huwebes, Nov. 15, sa Zirkoh Comedy Bar, Tomas Morato, Quezon City.

At hindi lang ang Sexbomb dancers ang magpapaligaya ng audience kundi pati na rin ang grupo ng Mr. Pogi Heartthrobs na discovery ng Eat Bulaga. Nagiging bukambibig na ang mga finalist ng Mr. Pogi sa mga kababaihan at kabadingan dahil tunay nga namang pogi ang lahat kumpara sa ibang produkto ng mga talent search.

Bilang dagdag na painit, magpi-perform din ang bandang 5MG, ang hitad na komedyanang si Boobsie Wonderland, at ang Universal Sweet na si John Lapus.

Handog ng organisasyong Tau Lambda Kappa Alumni Foundation, Inc. ang Da Pogi & Da Bomb. Mga alumni at lawyer mula sa Tau Lambda Kappa Fraternity/Sorority ng UE College of Law ang bumubuo ng samahan. Pinamumunuan ito nina Labor Arbiter Nicolas B. Nicolas, chairman of the board, at Jun Nardo, president. Bahagi ng proceeds ng musical-comedy and dance show ay para sa TLK Summit na gaganapin sa Nov. 30-Dec. 2 sa Casablanca Hotel, Subic Freeport, Olongapo City.

Nangangako naman ang manager ng Sexbomb na si Joy Cancio nang nonstop na sayawang puno ng kulay, saya, landi, at gilingan.

Para sa tickets, mag-text sa 0918-407-4172; 0916-7678-553; o tumawag sa 708-0994.

vuukle comment

BOOBSIE WONDERLAND

CASABLANCA HOTEL

COLLEGE OF LAW

DA BOMB

DA POGI

EAT BULAGA

JOHN LAPUS

JOY CANCIO

JUN NARDO

SEXBOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with