^

PSN Showbiz

Katrina na-caesarian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Na-feature pala nung nakaraang Lunes sa Good Morning America ang You Tube ni Zendee Rose na bumibirit ng And I Am Telling You I’m Not Going.

Nasa segment ito na Play of the Day at sobrang applauded daw ito.

Ang latest na nabalitaan namin, interesado nga raw si Ellen de Generes na i-guest ito, pero wala pa kaming update kung tuloy pa ito.

Regular na nga ba si Zendee sa Party Pilipinas? Dapat na ituloy na nila dahil napansin na ito sa America, tiyak na tuluy-tuloy na ‘yan.

PAK: Kuwela ang finalist ng American Idol Season 11 na si Heejun Han nang humarap ito sa press kamakalawa lang ng hapon sa Manila Hotel.

Sabi nito, ang narinig daw niya tungkol sa Pilipinas ay ang mga Casino rito. Gustung-gusto na nga raw niyang mag-casino dito, biro nito.

Bukas ang concert nila na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum at excited ang lahat na finalists lalo na si Jessica Sanchez na gustung-gusto na ring makita ang ilan pa niyang kamag-anak sa bansa.

Pinaka-type raw nila lahat ang Filipino food lalo na ang fried lumpia na pinapakain pa raw sa kanila noon ni Jessica.

Sabi ni Jessica, sarap na sarap daw siya sa lumpia na niluluto ng lola niya.

BOOM: Nanganak na si Katrina Halili ng isang malusog na baby girl kamakalawa ng gabi.

Na-emergency caesarian daw ito sa St. Luke’s Hospital, pero safe na raw ito ngayon.

Sinamahan ni Kris si Katrina nang iniluwal niya ang kanilang anak na pinangalanan nilang si Katrence.

vuukle comment

AMERICAN IDOL SEASON

GOOD MORNING AMERICA

HEEJUN HAN

I AM TELLING YOU I

JESSICA

JESSICA SANCHEZ

KATRINA HALILI

MANILA HOTEL

NOT GOING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with