^

PSN Showbiz

Ayaw lang magsalita, Jennylyn alam na ang pagbubuntis ng GF ni Patrick

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Mainit na kuwento ang aabangan sa H.O.T TV sa Linggo kung saan meron silang exclusive na kuwento tungkol sa namataang aswang sa Bulacan. 

Kuwela rin ‘yung Hari ng Biskwit na ikinaaliw ng lahat nang kinain nina Regine Velasquez ang biskwit pagkatapos nitong tapakan. Ngayon ay merong taga-Iloilo na hinahamon ang Hari ng Biskwit. Hindi lang natin alam kung ano pa ang gagawin nito sa biskwit, at kung kakainin ba nila uli pagkatapos itong tapakan ng isa pang hari ng biskwit. 

May kuwento rin ang baguhang young actor na si Hiro Magalona tungkol sa namayapa niyang kapatid na madalas na nagpaparamdam sa kanya.

PAK: Inamin ni Geneva Cruz na sila nga ni Paco Arespacochaga ang nagpaparunggitan sa kanilang Twitter account. May isyung nabuntis daw ni Paco ang girlfirend nito, pero ang sabi ni Geneva, isyu na iyun ng dating asawa na siya lang ang makakasagot.     

Ang concern lang naman daw niya ang anak nilang si Heaven na kasama nito sa Amerika.

Uuwi na raw dito si Heaven para makasama nito ang kanyang ina.

Mas gusto na lang daw ni Geneva na mag-focus sa kanyang sa anak at isasantabi na raw ang love life.

“My son is coming home na dito na ulit siya titira. So, I’m really excited and I know na ‘yung nawala pala sa akin ‘yung may inaaruga ako araw-araw, hindi boyfriend. Pag dumating, darating.

BOOM: May isang taong malapit kay Patrick Garcia ang nag-react sa isyung nabuntis nito ang kanyang girlfriend. itinanggi ito ni Patrick, pero nag-text sa amin ang isang taga-showbiz na ang pagkakaalam daw niya, apat na buwang buntis ang girlfriend ng aktor.

Hintayin na lang daw na aminin ito ni Patrick dahil hindi naman daw niya ito maitatago forever.

Duda namin alam na ito ni Jennylyn Mercado pero ayaw magsalita ng actress/TV host, at ayaw niyang makisabay sa isyu ng dating kasintahan.

Mabuting si Patrick na lang daw ang magsalita kung ano talaga ang totoo sa isyung ito.

vuukle comment

BISKWIT

DAW

GENEVA CRUZ

HARI

HIRO MAGALONA

JENNYLYN MERCADO

PACO ARESPACOCHAGA

PATRICK GARCIA

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with