^

PSN Showbiz

Karylle handa nang harapin si Dingdong

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Obviously naka-move on na si Karylle sa naging kaganapan na humantong sa paghihiwalay nila ni Dingdong Dantes. Kung may sakit pa itong nararamdaman sa kanyang puso ay hindi nito iko-consider ang posibilidad na magkasama sila ni Dingdong sa trabaho na hindi ko naman alam kung bakit masyadong iniintriga at binibigyan ng kulay ng marami eh alam naman ng lahat na pareho nang taken ang dalawa at masaya na sila sa kani-kanilang buhay.

Kung sa negosyo nga na kanilang pi­nagsos­yohan ay hindi sila nagkaproblema, bakit ang posibilidad na magkasama sila sa isang project ang poproblemahin n’yo?

Viewers atat nang maglaglagan ang mga protégé

 Tinutukan na naman ng mga viewers kahapon ang elimination night ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break. Lahat ay naging excited sa kung sino ang magiging unang casualty sa programa. Lubhang napakarami ng participants sa programa kung kaya hot na hot ang viewers na lumiit ang bilang nila para magkaalaman na.

Sa ngayon, may mga nagpaparamdam na gusto pa nilang magtagal sa loob. Sana lamang ay maging wise sa pagpili ng ililigwak nila ang mga texter. Sa rami ng mga kasali, aabutin pa ng next year kung isa-isa lamang ang matatanggal. Sigurado namang ayaw ng network na pagsawaan sila ng viewers.

Jomari at Aiko bibihira ang relasyon

Kesa pagtakhan at pag-usapan ang maging balikan sakali ng dating magdyowang Jomari Yllana at Aiko Melendez, maging masaya na lamang tayo na sa isa’t isa rin sila mauuwi.

Wala naman silang parehong sabit ngayon at meron silang anak na magbibigkis at maglalapit sa kanila. Bongga, ’di ba? Bihira sa mga taga-showbiz na naghihiwalay ang nagbabalikan.

Gabby masaya sa buhay kaya bagets tingnan

Marami talaga ang nagtataka sa pananatiling bata ni Gabby Concepcion, para kasi itong hindi tumatanda. Sa mga proyekto niya ngayon, parang kaedad lang siya ng mga higit na nakababatang aktor sa kanya na kasama niya.

Pero inamin ng aktor na wala siyang sikreto sa pananatiling mukhang bata. Baka dahil masaya lamang siya sa buhay niya. Wala siyang problema sa mga anak niya. Kasundo niya ang mga ito at maging silang magkakapatid ay nagkakasundu-sundo.

Friends na rin sila nina Sharon Cuneta at Grace Ibuna. Kung sakali, baka sila na lang ni Jenny Syquia ang may gap pero alam ng lahat na mareresolba rin ’yun. After all, masaya na rin sa buhay niya si Jenny.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

DINGDONG DANTES

GABBY CONCEPCION

GRACE IBUNA

JENNY SYQUIA

JOMARI YLLANA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with