^

PSN Showbiz

Kim parang in love pa rin kay Gerald

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Tama lang na ’di makisawsaw si Kim Chiu sa isyu nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Tahimik na siya at walang dapat maging reaksiyon sa mga pinagdaraanan ng dalawa.

Kung may dapat siyang pagtuunan ng pansin, ito ang panliligaw sa kanya ni Xian Lim. Matagal na itong nanliligaw sa kanya, bakit hindi pa niya ito sagutin kung may gusto rin siya rito? Kung ayaw naman niya, eh huwag na niyang paasahin pa ito. Para maging magkaibigan na lang sila and Xian can move on.

The mere fact na hindi pa siya nakikipag-boyfriend uli ay indikasyon na may feeling pa siya kay Gerald. And it has been quite sometime since they broke up. Falling in love again will completely heal her.

Indie films suportado na ng Gobyerno

Salamat naman at makakatikim na ang mga indie film ng suporta mula sa gobyerno. May nababanaag ng pag-asa sa patuloy na paglamlam ng industriya ng pelikula. With the support of the National Commission on Culture and the Arts o NCCA, mas marami pang maliliit na prodyuser ng pelikula ang mabibigyan ng suporta at mas maraming pelikula pa ang mapapanood.

Isang filmmaking competition ang itataguyod ng NCCA na may layuning himukin ang mga guma­gawa ng pelikula na gamitin ang mga kuwento na halaw sa Philippine literature tulad ng My Brother Brought Home a Wife, Tata Selo, Dead Stars, Children of the Ash, Covered Loan, at marami pang iba. Ipamamahagi ang mga pelikula sa school libraries para mapanood ng mga mag-aaral ng Phi­lippine literature.

Susuportahan ng NCCA ang paggawa ng tatlong digital films sa ilalim ng Sine Panitik na may tigatlong kuwento. Magiging bahagi ito ng New Wave section ng December filmfest at mapapanood din sa maraming eskuwelahan.

 

Aga mahusay nang magsalita ng Bikol

Hindi lamang tirahan sa San Jose, Camarines Sur ang ipinagagawa ni Aga Muhlach bilang paghahanda sa kanyang pagtakbo sa Kongreso sa 2013. Talagang desidido ang aktor dahil pati pagsasalita ng Bikolano ay pinangangatawanan na niya.

Magandang senyales ’yung pakikiisa sa kanyang layunin ang pagsuporta sa kanya ng kanyang tiya­hing si Amalia Fuentes na dati ay nakasamaan niya ng loob. Tinawagan siya ng retiradong aktres at pinayuhang maging matatas pa sa dialect ng mga Bikolano.

Nanumpa na si Aga sa ilalim ng Liberal Party na pinamumunuan ni Kalihim Mar Roxas.

AGA MUHLACH

AMALIA FUENTES

BIKOLANO

CAMARINES SUR

CHILDREN OF THE ASH

COVERED LOAN

CULTURE AND THE ARTS

DEAD STARS

GERALD ANDERSON

KALIHIM MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with