^

PSN Showbiz

Tween stars pinapaganda ang laban sa Kapamilya teens

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Mukhang maganda ’yung ginagawang pagtatapat sa tween stars ng GMA 7 sa mga Kapamilya bagets. Parang mas mabilis ang pagsikat ng mga ito.

Kahit mas nauna na sina Daniel Padilla, Khalil Ramos, at Enrique Gil na bumandera sa primetime TV via Princess and I at kahit kabagu-bago pa lamang nina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio sa Luna Blanca, kumukuha na sila ng malaking audience share sa nasabing timeslot.

Soon, sali na rin sa labanan sina Barbie For­teza at Bea Binene as against Kathryn Bernardo.

Ang ganda ng labanan. Ito ang dapat suportahan ng fans.

Mga kapatid ng celebs ginawang pangtakam sa talent search

Ngayon, mas higit akong naniniwala na may pagkakapareho ang aking dating programang That’s Entertainment sa mga ginaganap nga­­­­yong reality searches ng iba’t ibang network, lalo na ang Artista Academy ng TV5. Marami kasi silang ipi­nasang mga kapatid o kamag-anak ng mga artista at celebs na sa aking pananaw ay makatutulong ng malaki para maging mas interesting ang programa.

I heard pumasa sa audition ang anak ni Alvin Patrimonio na si Angelo Patrimonio na dati nang nag-aartista sa ABS-CBN; si Alwin Abre­nica na kapatid ng Kapusong si Aljur; si Keno na kapatid ni Kean Cipriano at isa pa ring kapatid ni Polo Ravales.

Sa kanila pa lamang ay tutok na ang maraming manonood. Gaano pa kaya kung mas marami pa silang mga kamag-anak ng artista?

Kimerald hirap maka-move on

Siguro naman ay matatahimik kahit sumandali ang mga Kimerald sa balitang magkaka­sa­­­mang muli ang mga idolo nilang sina Ge­rald Anderson at Kim Chiu sa isang project. Su­­man­dali rin sigurong matatahimik si Sarah Geronimo at ang kampo niya sa mga “panggugulo” at “pagbabanta” ng mga hindi sang-ayon sa ligawang nagaganap sa dalawa.

Kung totoo ang mga balita, mukhang consis­tent naman sa kanilang pag-uugali ang fans nina Gerald at Kim pero hanggang kailan nila ta­tanggapin ang katotohanan na wala na ang dalawa? At the most hanggang sa pagiging co-workers na lamang sila. Kung ang dalawa ay na­ka-move on na, kailan naman sila?

GMA gagawa ng bagong love team kina Mikael at Andrea

Mukhang namang interesting ’yung gagawing pagtatambal ng GMA 7 kina Mikael Daez at Andrea Torres. Parehong nabibilang sa pina­kamagagandang artista ang dalawa at may ibu­buga naman sa pag-arte. Anong malay natin baka makagawa ng isang kikilalaning love team ang GMA 7 sa kanilang da­lawa?

Panahon na rin para magbida ang dalawa. Matagal na silang sumusuporta sa mga kasamahan nilang Kapuso. Bakit hindi naman sila ang suportahan nila?

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ALWIN ABRE

ANDREA TORRES

ANGELO PATRIMONIO

ARTISTA ACADEMY

BARBIE FOR

BEA BINENE

DANIEL PADILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with