^

PSN Showbiz

Sigaw ng Puso Ko, pambato ni Marvin

- Ramon Bernardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinakabagong pambato ni Marvin Ong sa kanyang kasikatan sa pop music ang kalalabas lang na kanyang album na Sigaw ng Puso Ko.

Gawa ng Viva Records ang album na nagpapakita sa iba’t ibang talent ng batang singer/songwriter bilang isang artist, tune weaver at instrumentalist.

Anim na kanta ang laman ng sumisikat na album kabilang ang carrier single na Ayoko Na na madalas hilingin ng mga tagapakinig sa mga radio station ngayon.   

Meron na ring music video ang Ayoko Na na idinirihe ni Carlo Alvarez at guest model si Miss Philippines-Australia Stephanie Rose.

Kabilang pa sa potensiyal na hit single sa album ang Labis Kitang Mahal na komposisyon at prodyus ng hitmaker na si Vehnee Saturno, Sigaw ng Puso Ko (likha ni Marvin ang title track), ballad na You Can Never Be Mine (orihinal din ni Marvin), ang revival na Pakisabi Na Lang na isinulat nina Mory Ortiz at Edith Gallardo.

Nasa album din ang mga minus one ng mga kanta kasama ang bonus track na acoustic version ng Ayoko Na na pinatugtog ni Marvin sa Piano.

Executive producer ng album si Vic Del Rosario Jr. habang supervising producer sina Wilbert Ong, Baby Gil, at MG Mozo. Associate producer sina Mary Ong at Kat de Castro.

Takda ring ilunsad ang album na ito sa ASAP ng ABS-CBN.

vuukle comment

ALBUM

AYOKO NA

BABY GIL

CARLO ALVAREZ

EDITH GALLARDO

LABIS KITANG MAHAL

MARVIN

MARVIN ONG

MARY ONG

PUSO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with