^

PSN Showbiz

Juday bilib na bilib kay Iza

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Isa si Judy Ann Santos sa mga malalapit na kaibigan ni Iza Calzado. Aminado si Juday na hinahangaan niya ang kaibigan bilang isang maga­ling na aktres. Kaya naging masaya si Judy Ann nang lumipat si Iza sa ABS-CBN.

“Alam naman yata ng lahat kung gaano kahusay si Iza maging isang artista kasi napakaseryoso niya sa craft. Sa ilang beses na nakasama ko siya sa isang project, it’s a natural thing for Iza na umarte, wala kang makikitang effort sa kanya.

“Sa edad niya at sa stardom niya ngayon, wala pa akong nakikita na puwedeng pumantay,” paglalarawan ng magaling ding aktres.

Bukod sa acting talent ay hinahangaan din ni Juday ang pagkakaroon ni Iza ng mabuting loob sa mga taong nangangailangan.

“Kami ni Iza, kahit hindi kami madalas magkita niyan, maaasahan mo. I have a project last May for the Bataan Aeta project, nagtanong agad siya kung meron siyang maibibigay na tulong sa akin. ’Yung little things na gano’n. Kung gaano kaganda ang mukha niya, ganun kaganda ang puso niya. Totoo ’yan,” patotoo pa ni Juday.

Ayon pa sa aktres ay masaya ngayon ang kanyang kaibigan pagdating sa love life.

“I think she’s very happy and very content with her love right now and she deserves it. Si Iza kasi kapag trabaho, trabaho na muna. Kapag nagmahal, mahal talaga,” giit pa ni Juday.

Mamaya ay magsisimula na sa Primetime Bida ang kauna-unahang teleseryeng gagawin ni Iza sa Kapamilya Network, ang Kahit Puso’y Masugatan.

Sarah nagustuhan ang pagiging gentleman ni Gerald

Noong Sabado ay napuno ang Smart Araneta Coliseum dahil sa birthday concert ni Sarah Geronimo na may titulong 24/SG. Maraming na­ging panauhin ang Pop Princess at maging ang kanyang amang si Delfin Geronimo ay nakipag-duet din sa kanya sa stage.

“Iba-ibang kasiyahan ’yun. Si daddy, love naman niya ang music kaya hindi naman siya nagdalawang-isip na mag-guest. Para akong high, the natural high. Sobra ’yung joy ko, nag-uumapaw ’yung happiness. Siyempre ’yung friends ko from showbusiness, nandito rin ’yung pamilya ko. Pinakamagandang regalo ko na matatanggap for my twenty fourth birthday,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Nanood din ng nasabing concert ang sinasabing espesyal ngayon kay Sarah na si Gerald Anderson. Kinamayan pa nang matagal ng singer-actress si Gerald habang kinakanta ang It Might Be You.

“Nandito ako para suportahan siya always. Sarah, congratulations! Ang ga­ling mo. Sobra mong nalampasan ang expectations ng lahat. God bless,” maik­ling pahayag ni Gerald.

“Super happy, saka thankful sa kanya (Gerald) sa suporta niya. Special din siya sa akin. Ganyan siya eh. Sobrang gentleman kahit noon pa, kahit hindi pa kami ganun ka-close nakita ko na ’yung pagiging gentleman niya sa lahat,” saad naman ng Pop Princess.

Sa July 21 ay magkakaroon ng repeat ang 24/SG concert ni Sarah.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

BATAAN AETA

DELFIN GERONIMO

GERALD ANDERSON

IT MIGHT BE YOU

IZA

IZA CALZADO

JUDAY

NIYA

POP PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with