^

PSN Showbiz

KC ipinagsisigawan ang nararamdaman kay Rhian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Masyadong pahalata si KC Montero sa love niya kay Rhian Ramos, sa Twitter at maging sa Party Pilipinas last Sunday, parang ipinagsigawan na nito ang feelings para sa dalaga.

Nabanggit kasi ang Yahoo OMG Awards! at ni-remind ng hosts ang viewers na iboto ang favorite Kapuso stars nila na nominated sa different categories. Humirit si KC na alam niya kung sino ang iboboto with matching naughty smile. Tinanong siya ng mga kasama kung sino ang iboboto at diretso ang sagot nitong “Rhian” na sinundan uli ng naughty smile.

Tapos sa Twitter kahapon, nabanggit na he’s working para mabigyan ng lifetime supply ng Milo si Rhian na obviously favorite breakfast fare ng dalaga. May sagot si Rhian sa offer ni KC.

Suwerte si KC at mukhang walang kontra kung magkaka-relasyon sila ni Rhian (isa lang ang alam naming masasaktan). Kahit ang ex niyang si Geneva Cruz, pabor sa magiging relasyon nila ni Rhian. Tweet nito: “My message to @kcmontero’s new girl…have fun you guys.”

Show ni Kris babaguhin

Balik sa The Buzz sa Sunday si Kris Aquino para mag-pinchhit kay Boy Abunda na dinala ang ina sa Germany para sa stem cell therapy. Guest co-host lang si Kris.   

Samantala, nag-celebrate ng first anniversary ang Kris TV kahapon at balitang may mga gagawing pagbabago ang show sa pagpasok nito sa second year para mas masiyahan ang viewers na maagang gumigising para mapanood ang show. Kung anong mga pagbabago ito, abangan na lang natin.

Tinanong namin ang isang close kay Kris kung kailan nito sisimulan ang shooting ng Sisteraka, entry ng Star Cinema sa December filmfest na pagsasamahan nila ni Vice Ganda. Wala pang alam ang kausap namin.

Sabagay, matagal pa ang December at so far, ang nagsi-shooting pa lang ay ang another Star Cinema entry na One More Try nina Dingdong Dantes, Angel Locsin, at Angelica Panganiban.

Bakit bughaw… ‘di muna tuloy

On hold ang stage adaptation ng Bakit Bughaw ang Langit dahil sa kondisyon ni Direk Mario O’ Hara na nasa ospital pa yata hanggang ngayon. Dapat kasunod ng Bona ang Bakit Bughaw…, na parehong gagawin ni Edgar Allan Guzman, ang mangyayari, sa Bona na muna magko-concentrate si Edgar Allan.

From August to Sept. 23 ang Bona ng PETA sa direksiyon ni Soxy Topacio. Sa last night, Nora Aunor will be honored at ibig sabihin manonood ang Superstar.

Mabibili na ang tiket through Ace Burwell sa +639225609824.

Eric kahalinhinan ang 14 na kapatid sa pagbabantay sa ospital

Maraming dumalo sa misa para sa paggaling ni Dolphy na ginawa sa chapel ng Makati Medical Center Sunday afternoon. Namataan sina Susan Roces kasama ang anak na si Mary Grace Poe-Llamanzares, Eddie Garcia and wife, Bibeth Orteza, Ricky Davao, Maricel Soriano, Mother Lily Monteverde, Roselle Monteverde-Teo, Malou Fagar-Choa, at marami pang iba.

Halos kompleto ang Quizon siblings at ang bilang ni Eric, 15 silang magkakapatid na naghahalinhinan sa pagbabantay sa ama, hindi pa kasama ang mga apo, si Zsa Zsa Padilla, at mga kamag-anak ng Comedy King.

vuukle comment

ACE BURWELL

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BAKIT BUGHAW

BIBETH ORTEZA

BOY ABUNDA

COMEDY KING

DINGDONG DANTES

RHIAN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with