^

PSN Showbiz

Sariling programa tinawag na basura at walang kwenta ni Ruffa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Maraming na-shock nang mag-tweet si Ruffa Gutierrez tungkol sa pagre-resign niya sa programa nilang Paparazzi kahapon ayaw na niyang maging part ng programa nila sa TV5.

Pambabastos ng sariling programa ang sabi ni Ruffa sa kanyang Twitter account ang rason ng kanyang galit. Gulat sila dahil nag-promote pa siya ng nasabing programa dahil nga may birthday celebration para sa kanya. Today ang actual birthday niya. Bukod dun, may pa-SPArty pa siya sa mga kaibigan kahapon din ng hapon. Pero hindi niya na-kontrol ang galit sa programa nila sa TV5.

Bilang hindi ko napanood nagtanong-tanong ako.

Meron palang portion sa programa na Bulong ng Palad kung saan ibubulong ng kapwa niya host ang tanong nila. Tungkol pala sa mga ex niya ang ibinulong sa kanya. Ewan ko lang kung sino sa apat niyang co-host – Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal, Zoren Legaspi and Mariel Rodriguez ang nagbulong tungkol sa nagpasiklab ng galit ni Ruffa.

Heto ang series of tweets ng TV host-actress.

“Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kwenta at wala kayong respeto.

“The msg from Habitat For Humanity & Ms. Faith of Avon Philippines was heartwarming but what happened after that was a disgrace! #Paparazzi

 “Hindi nyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko! Yung head ng PROGRESS Gold Milk of Wyeth was at the studio, my friends were watching.

“Lorin & Venice were watching #Paparazzi earlier cuz they were excited to see my reaction on the handmade card/note they made for me.

 “Binastos ako ng #Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but THE BUZZ would never do this to me. EVER!

 “From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

 “I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.

 “I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters,” sunud-sunod na tweet ng birthday girl.

Hindi rin pinalampas ni Annabelle Rama ang ginawa ng staff ng programa sa kanyang unica hija. Nakatikim sila.

 “Dapat tanggalin na ‘yang mga b*b*ng writers ng Paparazzi! Walang mga ut*k, mga abnormal, mga m*ni*c!

“Akala nila natutuwa ang mga viewers sa mga kabastusan nila? Hoy mga baklang writers ng Paparazzi magsilayas na kayo dyan!

“Kaya ‘di nagre-rate ang show kasi puro kalibugan at kabaklaan! Tanghaling tapat puro t*** ang topic!

“Naubusan na ba kayo ng ideas? Dapat ‘yang mga malilibog na baklang writers ng paparazzi ilagay sa 2:00 am na slot, ‘di sa tanghali!

“May mga batang nanonood sa inyo, katulad ng mga apo ko! Inaabangan nila ang b-day celebration ng mommy nila!

“Bitayin patiwarik ang mga bwisit at bastos na bading sa paparazzi! Mga bwisit kayo! Tanggalin at palitan na ang mga bobo na yan!

“Di ba naman mga tanga, ang daming pambatang commercials, puro kalibugan ang topic? Stupid! idiot!

“Calling the attention of MVP (Manny V. Pangilinan), Atty. Rey Espinosa & Bobby Barrero:

“Tama ba itong questions ng mga writers ng Paparazzi on national tv, w their 11:30 a.m. to 12:30noon time slot?

“Lunch time, kumakain ang pamilya ko with my 7 & 8 year old na mga apo na nanonood sa mommy nila para bastusin lang pala!

“These are the questions: “Sino kila Aga, JL, Robin ang pinaka malaki ang t***?” | “Sino kila Zoren, Aga, Robin ang magaling sa kama?”

‘’Yan ba ang bday gift nila sa anak ko? Walang natutuwa! Dapat palitan at tanggalin ang maniac na yan!

“Pls review the tape of that segment on that show. Super negative.

“Sana maimbestigahan ang mga writers and everyone who’s behind all this. Thank you,” buong statement ni Bisaya sa Twitter kahapon ng hapon.

Agad-agad namang nagpadala ng statement ang Corporate PR ng TV sa nangyari : “TV5 management is seriously concerned about the turn of events today on Paparazzi and is now looking into the incident. We promise everyone that we shall take appropriate action.”

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

BOBBY BARRERO

CRISTY FERMIN

DAPAT

NILA

PAPARAZZI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with