^

PSN Showbiz

Komedyante nagkaka-amnesia bigla sa mga kaibigan kapag nakakakita ng bagong Papa!

- Jun Nardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lukring din kung umibig pala itong kilalang komedyante. Nagkakaroon siya ng amnesia dahil nakakalimutan niyang lahat ang mga kaibigan mula pa nung nagsisimula pa lang siya.

Sa isang mahalagang okasyon kasi ng komedyante, naalala siya ng mga kaibigan. Eh inlababo siya kaya naman dedma siya sa lahat ng mga friends niya. Ang feeling ng ilan pang kaibigan, lumaki na rin ang ulo mula nang magkapangalan.

Pero kapag tapos na ang kalokahan, ang komedyante ang gumagawa ng paraan upang makipagbati sa mga kaibigan ha? Daig pa niya ang maamong tupa na parang hindi makabasag pinggan sa paghingi ng sorry.

Kaya naman kapag nalalaman ng mga friends niyang may bago na naman siyang kinahuhumalingan at hindi sumasagot sa mga text at tawag, hindi na nag-e-effort ang friends niyang kausapin dahil kilala na nila ang kamada ng fez niya, huh!

Ex at current GF ng male celeb may tahimik na giyera

Nagkaroon pala ng silent confrontation ang present at ex-girlfriend ng kila­lang male celebrity. Nakakadama pa rin ng selos ang current dyowa ng male celeb kapag nakikita niya ang dating dyowa nito.

Minsang magsama sa isang show ang dalawang girlash at nasa isang dressing room sila, natiyempong silang dalawa lang ang tao, hindi talaga pinalampas ni bagong girlfriend ang pagkompronta sa dating dyowa ni lalaki.

Wala mang tarayang maingay, nanlilisik naman ang mata ng present girlfriend na pinagbawalan ang ex na huwag nang lumapit-lapit sa kanyang boyfriend! Tumaas lang ang kilay ni ex-dyowa, tumalikod, at saka ngumisi-ngisi.          

Manager nilalapitan lahat ng TV shows at indie produ magka-project lang ang mahal na alaga

Nagtataka ang mga friends ng isang manager kung pagtulong o pag-ibig ba ang pangunahing dahilan kung bakit todo ang pagpapakahirap nito sa isang alaga. Bukod kasi sa todo-depensa ng manager sa mga pagkukulang ng alaga, nagiging creative writer pa siya sa pag-iisip ng projects na pagbibidahan ng alaga.

May bagong project na naisip nga ang manager na pagsasamahan ng alaga at mga sikat na artista. Siyempre, sa alaga nakasentro ang kuwento kaya naman upang maisakatuparan niya ang proyekto, panay ang lapit niya sa lahat ng TV shows at indie producers upang ibenta ang project.

’Yun nga lang, walang kumagat sa konsepto niya dahil baka naman hindi ito mag-rate o ’di kaya hindi magustuhan ng indie movie fans. Obvious kasing hindi bagay sa alaga niya at sa artistang gustong makasama ang project kaya wala pa ring resulta ang convincing powers ng manager.

Asked nga ng ibang nakaalam sa ginagawa ng manager, all for the love o all for the lust ba ang nararamdaman ng manager sa alaga?

Ogie naglalaan na ng oras kay Regine, ayaw maulit ang nangyari sa dating asawa

Hindi makapaniwala si Ogie Alcasid na magiging nominee siya bilang best comedy actor sa Yahoo Philippines OMG Awards. First time itong nominas­yon sa tinaguriang Dramedy King ng showbiz kaya hindi maipagkakaila ang kanyang katuwaan.

Eh ang isang pang nagbibigay inspirasyon ngayon kay Ogie ay ang mataas na ratings ng bago niyang show na Daddy Dearest ng GMA 7 bago ang 24 Oras. Pinataob talaga niya ang kalabang mga sirena to think na hindi pa siya nagi-girlash sa series huh!

Sa totoo lang, apat na ang shows ni Ogie sa Kapuso Network – Daddy Dearest, Pare Ko & Pare Ko (with Michael V.), Bubble Gang, at Party Pilipinas. Pero ’pag Sabado, rest day niya ’yon at wala siyang trabahong tinatanggap. In fact, tinanggihan ni Ogie ang isa sa episodes ng Mga Kuwento ni Lola Basyang na isa sa entries na napili ngayong December.

Sa huli naming pag-uusap kay Ogie, nagagalit na rin ang asawang si Regine Velasquez sa halos araw-araw nitong pagkayod na parang kalabaw. So, naglaan naman siya ng oras para sa kanyang pamilya dahil ayaw na rin niyang maulit ang resulta ng kanyang first marriage.  

vuukle comment

ALAGA

BUBBLE GANG

DADDY DEAREST

NIYA

OGIE

PARE KO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with