^

PSN Showbiz

'Dinosaur King' magbabalik

-

MANILA, Philippines - Magbabalik na ang mga dinosaur, hindi sa lupa, kung hindi sa telebisyon kasama pa ang tatlong bagong bidang kids na tiyak susubaybayan mo tuwing umaga sa Dinosaur King, simula ngayong Lunes (May 28) sa ABS-CBN. 

Matatalik na magkakaibigan sina Max, Rex, at Zoe at tulad ng ibang kabataan, nais lang nila magsaya at mag-bonding ng magkakasama. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na isang malaking adventure ang naghihintay sa kanila matapos nilang matagpuan ang mga card na nagiging dinosaurs sa kagubatan.

Una ay animo’y mga bagong alaga lang ang kanilang nahanap pero ang mga dinosaur na ito ay nangangailangan pala ng kanilang tulong dahil ikinulong sila at iba pa nilang kauri sa naturang cards ng isang misteryosong grupo na kung tawagin ay Alpha Gang. Ang natu­rang grupo ay hangad na makumpleto ang lahat ng mga dinosaur cards para hirangin silang ‘dinosaur king’ at maghasik ng lagim sa sanlibutan. 

Kaya naman ang misyon nina Max, Rex, ay Zoe ay maunahan ang Alpha Gang na makuha ang mga cards at maisalba sa kapahamakan ang mga kapwa dinosaur ng kanilang bagong mga kaibigan. 

Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? Sino ang tatanghaling Dinosaur King? 

Ang Dinosaur King ay programa ng ABS-CBN sa ilalim ng kanilang Bida Best Kid campaign na naglalayong himukin ang mga batang Pinoy na maging “da best” sa anumang larangan at abutin ang kanilang mga pangarap. Tulad nina Max, Rex, at Zoe, ang kabataang Pinoy ay mahilig tumuklas ng mga bagong bagay at matapang na sumasabak sa mga adventure. 

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng Dinosaur King, simula ngayong Lunes (May 28), 8:15 a.m., sa Team Animazing ng Channel 2.

vuukle comment

ALPHA GANG

ANG DINOSAUR KING

BIDA BEST

DINOSAUR

DINOSAUR KING

KANILANG

PINOY

ZOE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with