^

PSN Showbiz

Singer-actress na ampon, walang utang na loob!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Ayon sa isang source hindi na nakatiis ang ina-inahan sa sobrang kamalditahan ng singer-actress. Ayon dito walang utang na loob ang inarugang aktres.

Kung tutuusin parang buhay prinsesa ang tinatamasa nito sa ina-inahan at ibinigay sa kanya ang luho pero winalang bahala ng SA.

Maldita ang singer-actress dahil sobra kung murahin ang kanyang driver at alalay na naging matapat sa kanya.

Kapag walang taping ay kasama nito ang kanyang barkada at nakikita sa bar at lasing kapag umuwi ng bahay ng madaling-araw.

Kawawang ina-inahan.

Angeline noon pa pangarap si Coco

Inamin ni Angeline Quinto na crush niya noon pa man si Coco Martin at nagkaroon ng katuparan ang pangarap niyang makasama ito sa pelikula via Born To Love You ng Star Cinema.

Inamin naman ni Coco na noong una ay nahirapan siya sa pag-alalay sa leading-lady dahil wala itong alam sa paggawa ng pelikula at tamang pag-arte. Pero later ay natuto rin ito sa akting dahil sa kanyang pagmo-motivate sa aktres. Sa tulong ni Coco pinag-aralang mabuti ni Angeline ang script at karakter kaya naka-agapay ito sa galing ng pag-arte ng aktor.

Ang Born To Love You ay palabas na sa May 30 .

vuukle comment

ANG BORN TO LOVE YOU

ANGELINE QUINTO

AYON

BORN TO LOVE YOU

COCO MARTIN

INAMIN

KAPAG

KAWAWANG

MALDITA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with