^

PSN Showbiz

Jake ikinumpisal ang pagkagusto kay Lovi!

- SEEN SCENE -

SEEN: Ang pangalan na Lourdes Virginia Poe ang sinabi ni Jake Cuenca na pangalan ng babae na gusto niya sa kanyang guesting sa Bandila noong Lunes.

Lourdes Virginia ang tunay na pangalan ni Lovi Poe at matagal na silang nali-link ni Jake.

SCENE: Hindi pa nakaka-move on si P-Noy sa maling tweet ni Edu Manzano na nakita sila na magka-date ni Grace Lee sa Greenhills Promenade.

Ang maling tweet ni Edu ang ginamit na example ni P-Noy nang ireklamo ang crab mentality sa media.

SEEN: Malakas ang benta ng March 2012 issue ng local Playboy magazine na si Wilma Doesnt ang cover girl ng Playboy.

SCENE: Ang Every Breath U Take ang unang movie team up nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Masusubok sa takilya ang lakas ng tambalan nina Piolo at Angelica dahil hindi matagumpay ang partnership nila sa Mangarap Ka, ang 2004 teleserye ng ABS-CBN.

SEEN: Iisang gym ang pinupuntahan ng estranged wife ni Sen. Chiz Escudero at ni Jason Zamora, ang dancer na matagal nang nali-link sa dating asawa ng senador.

Nag-file na ng annulment si Sen. Chiz.

SCENE: May balita na nagprisinta si Sen. Chiz Escudero na maging endorser ng isang school para maging visible siya sa TV.

SEEN: Hindi na talent ng GMA Artist Center si Ian Batherson na hindi pa rin gamay ang pagsasalita ng Tagalog.

SCENE: Sa May 20 ang pilot telecast ng Pare & Pare, ang Sunday night talk show nina Ogie Alcasid at Michael V.

Stop taping muna ang Pare & Pare dahil nagbakasyon sa ibang bansa ang buong pamilya ni Michael V.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ARTIST CENTER

CHIZ ESCUDERO

EDU MANZANO

EVERY BREATH U TAKE

GRACE LEE

GREENHILLS PROMENADE

IAN BATHERSON

JAKE CUENCA

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with