^

PSN Showbiz

Big Winner ng PBB Unlimited Cebuano uli!

-

MANILA, Philippines - Itinanghal na big winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Unlimited ang Cebuano engineer na si Sla­ter Young matapos makalap ang pinakamataas na porsiyento ng mga boto sa magdamag na botohan noong March 31 sa pagtatapos ng PBB Unlimi­ted: Big Night at the Grandstand. 

Hinirang na kauna-unahang lalaking Big Winner ang 24 years old na civil engineer na nagtatrabaho para sa negosyo ng kanyang ama. Ginusto ni Slater na ma­ging housemate ni Kuya upang maging mas mature at independent sa kabila ng karang­ya­an sa buhay. Kinilala siya bilang isang matatag na lider na nagpakita ng angking ta­lino at diskarte sa mga pagsubok sa loob ng PBB house, pati na rin ng kabutihan at pakikisama sa kapwa niya housemates.

Nakakuha siya ng 40.02% ng kabuuang bilang ng text votes at nagwagi ng P2 milyon, isang applian­ce showcase, Asian tour package, isang Internet TV, isang water-refilling store franchise, at special appearance sa isang Kapamilya prog­ram sa Estados Unidos.

Pumangalawa naman si Pa­mu Pamorada matapos ma­kuha ang 21.49% ng mga boto at nag-uwi ng P1 milyon. Itinanghal namang third big placer si Joseph Biggel na nagkamit ng 21.39% ng mga boto, samantalang fourth big placer naman si Paco Evangelista na 17.10% ng mga boto ang nakuha. Nanalo sina Joseph at Paco ng P500,000 at P300,000.

Bilang patikim naman ng panibago at inaabangang edisyon ng PBB, ibinunyag ng mga hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo na makakasama nila ang aktor at da­ting PBB Celebrity Edition 1 runner-up na si John Prats bilang host ng PBB Teen Edition 4, na mag-uumpisa na sa Easter Sunday (April 8).

vuukle comment

BIANCA GONZALEZ

BIG NIGHT

BIG WINNER

CELEBRITY EDITION

EASTER SUNDAY

ESTADOS UNIDOS

ITINANGHAL

JOHN PRATS

JOSEPH BIGGEL

PACO EVANGELISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with