^

PSN Showbiz

Twitter account ni MVP, peke!

- SEEN SCENE -

SEEN: Si Slater Young ng Cebu City ang big winner ng Pinoy Big Brother Unlimited na ginanap sa Quirino Grandstand noong Sabado.

SCENE: Naging trending topic sa Twitter ang guesting ni Wanggo Gallaga sa The Bottomline noong Sabado.

HIV positive si Wanggo na isang lifestyle writer at anak ng direktor na si Peque Gallaga.

SEEN: Naiirita at lumalabas ang pagiging antipatiko ni Jay-R sa tuwing tinatanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Krista Kleiner pero madalas pa rin silang nakikita na magkasama.

SCENE: Ang team up nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang sinusubaybayan sa Walang Hanggan. Malakas pa rin ang tambalan ng dating mag-dyowa.

SEEN: Biktima ng mga Twitter bashers si Iza Calzado dahil tinawag niya na Luneta Grandstand ang Quirino Grandstand sa finale night ng PBB Unlimited.

Hindi nagkamali si Iza dahil tinatawag din na Luneta Grandstand ang makasaysayan na Quirino Grandstand.

SCENE: Magkakaroon ng sitcom si Chef Boy Logro sa GMA 7 dahil sa success ng Kusina Master. Makakasama ni Marian Rivera sa sitcom si Chef Boy.

SEEN: May fake Twitter account si Manny V. Pangilinan, ang big boss ng TV5. Personal na pinatunayan ni MVP na wala siyang Twitter o Facebook account.

SCENE: May surprise birthday celebration na inihanda kagabi ang asawa at mga anak ni Tirso Cruz III sa penthouse ng Emar Suites, Shaw Boulevard, Mandaluyong. Kahapon ang 60th birthday ni Tirso.

vuukle comment

BOY LOGRO

CEBU CITY

CHEF BOY

DAWN ZULUETA

EMAR SUITES

IZA CALZADO

KRISTA KLEINER

KUSINA MASTER

LUNETA GRANDSTAND

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with