^

PSN Showbiz

Parating palpak, actress walang suwerte sa lalake

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Bading, buklah, beki, berde ang dugo, etc. pala ang asawa ngayon ng isang actress ayon sa source.

Kaya may dapat pala talagang ika-worry ang pamilya ng actress.

Pero kung datung naman daw ang basehan, walang problema kay mister, pero ‘yun nga lang namumutawi sa kanyang dugo ang kaberdehan.

Naku, nararamdaman kaya ng actress na kabaro ang kasiping niya gabi-gabi?

Hmmm, parang walang suwerte ang actress pagdating sa lalake.

Parating palpak ang nahahanap niya.

Gretch mas mapangahas na

Malapit nang magbukas ang kuwento ng The Princess and I ng Prime time serye ng ABS-CBN tampok sina Albert Martinez at Gretchen Barretto kasama sina Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla at ng pinakabagong prinsesa ng Kapamilya Network na si Kathryn Bernardo.

 Pinakabagong Filipino fairytale drama sa telebisyon ang kuwento ng kaharian ng Yangdon na pinaghaharian ni King Anand (Albert). Subalit sa likod ng marangyang buhay, mababalot ng kalungkutan ang kaharian nang mawala ang prinsesang si Mikay (Kathryn) na mamumulat sa buhay ng kahirapan.

Sa mapangahas na pagbabalilk ni Gretchen sa telebisyon pagkatapos ng Magkaribal, bibigyang buhay naman niya ang karakter ni Ashi Behati, isang Yangdon royalty na nagnanais agawin ang korona ng kaharian ng Yangdon.

Kabilang din sa ‘royal cast’ ng teleserye sina Dominic Ochoa, Yayo Aguila, Precious Lara Quigaman, Nina Dolino at Sharmaine Suarez. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao.

Magsisimula na ito sa Lunes. Papalitan ng Princess and I ang Pinoy Big Brother na nagkaroon ng big night kagabi. Maraming eksena sa Princess and I ang kinunan sa Kingdom of Bhutan.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ASHI BEHATI

DADO LUMIBAO

DANIEL PADILLA

DOMINIC OCHOA

ENRIQUE GIL

GRETCHEN BARRETTO

KAPAMILYA NETWORK

PRINCESS AND I

YANGDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with