^

PSN Showbiz

Kesa maging talk show host, Zoren puwedeng magdirek na lang!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi lang naman pala sa Channels 2 and 7 nagkakaroon ng mga major changes, pati pala TV5 ay hindi spared. Lately nabasa ko na once a week na lang ang magiging program ni Sharon Cuneta sa kumpanya ni Manny V. Pangilinan. Walang magiging problema ang Megastar dahil guaranteed naman ang contract niya. Ibig sabihin, may programa man siya o wala, kanya na ’yung balitang bilyones niyang talent fee. Pero siyempre, bilang malaking artista, makakaapekto ang pagbabago ng plano para sa kanya at makakaapekto ito sa kanyang status kung hindi aktibo na siguradong ayaw niyang mangyari.

Mawawala na rin pala ang Paparazzi. Bakit naman, hindi ba nagri-rate naman ang programa? Kino-consider sina Ruffa Gutierrez, Lucy Torres at Mariel Rodriguez sa makakapalit na programa. Hindi bale si Cristy Fermin, kasama pa ito sa Juicy, meron pang radio program at isang regular na drama anthology pero paano na sina Dolly Ann Carvajal at Zoren Legaspi?

Malilimita na lamang ba ang anak ni Inday Badiday sa kanyang pagsusulat sa diyaryo?

Si Zoren naman marunong ding magdirek, baka bigyan siya ng assignment dito ng TV5.  O kaya ng role sa mga ginagawa nilang serye.

Jake hindi deserved ang mga pamimintas ni Maritoni

I’m sure wala namang intensiyon si Maritoni Fernandez na intrigahin ang alaga kong si Jake Vargas sa pagbubunyag ng nakalipas nang relasyon ng anak niya sa young actor.

Hindi naman kaila sa kanya na hindi lamang siya, maging ako ay tinutulan ko ang relasyon hindi lamang dahil sa hindi bagay ang dalawa at sinasabi niyang pandak si Jake kundi I felt hindi pa sila handa dahil sa kanilang kabataan, lalo na ang anak niya.

At the moment ay nagsisimula pa lamang ng career nila ang dalawa. Ayokong mabulilyaso ang matagal na paghahanda na ginagawa nilang dalawa para marating nila ang stardom. Ewan ko sa anak niya pero si Jake may malaking responsibilidad. Breadwinner siya ng pamilya at kinakailangan niyang kumita para may maipangtustos sa pagpapagamot noon ng kanyang inang may cancer na matagal ding nadugtungan ang buhay bago kinuha ni Lord.

Hindi ako pakialamero sa personal na buhay ni Jake but not when it involves his career. Kaya ako over protective sa kanya.

Nakikita naman niya ang resulta ng kanyang pagtitiyaga at pagpapakahirap. Maganda ang buhay nilang mag-anak, natutustusan niya ang mga pangangailangan nila. And like any normal bagets, nagagawa  nitong mag-hapi-hapi at mag-good time with his non-showbiz friends. Nakakapanligaw din ito, nakakapag-group dates pero hindi seryoso. Alam niya ang responsibilidad niya without me tel­ling him at responsable siya. Magiging karangalan siya ng kahit sinong babae. Hindi niya deserved ’yung pamimintas ng tulad nang sinasabi ng ilan diyan.

Direk Mac ‘nakasagasa’ ng tao sa paglipat sa Singko

Wala namang kasiguruhan ang buhay ng maraming taga-showbiz. Minsan nga magsisimula na ng trabaho ang isang artista pero napapalitan pa rin siya.

Sayang at nakalipat na si Direk Mac Alejandre ng TV5 na kung saan ay balitang nahirang siyang pumalit sa posis­yon na hinahawakan ni Audie Gemora bilang head ng Talent 5.

Kung nagtiyaga lang siya ng kaunti pang panahon sa Kapuso ay baka siya pa ang nakapalit sa nag-resign ng pinuno ng GMA Artist Center na si Ida Henares. ’Yun lang pala ang trabahong gusto niya. Wala pa siyang nasagasaan sa TV5 na tulad ni Audie Gemora.

vuukle comment

ARTIST CENTER

AUDIE GEMORA

CRISTY FERMIN

DIREK MAC

DIREK MAC ALEJANDRE

DOLLY ANN CARVAJAL

IDA HENARES

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with