^

PSN Showbiz

Ted Failon sisingilin ang customs commissioner

-

MANILA, Philippines - Ano na nga ba ang nangyari sa nakatiwangwang na mga kontrabando sa pantalan ng bansa na iniulat ng Failon Ngayon ilang linggo na ang nakakaraan? Babalikan ni Ted Failon ang problemang ito ngayong Sabado (March 31).

 Matapos maisapubliko ang kapabayaan sa mga nakukumpiskang gamit ng Bureau of Customs, humingi ng ayuda ang programa sa kasalukuyang customs commissioner na si Ruffy Biazon para aksyunan ito. Umayos na kaya ang sistema ng pag-iimbak at pagdi-dispose sa mga kontrabando?

Kasabay ng paniningil ni Ted sa ipinangakong reporma ay kukumustahin din nito kung may naitulong nga ba ang paglalabas ng mapa ng Philippine National Police para matukoy kung saan makikita ang mga delikadong vintage bomb na nakadisgrasya ng ilang mga katao noong Enero dahil sa biglaang pagsabog nito.

Bubuweltahan din ng batikang broadcast journalist ang pagpapatupad ng administrative order na nag-uutos na ipasara ang operasyon ng SR Metals Incorporated na nagdudulot ng perwisyo at peligro sa kalusugan sa mga residente ng Tubay, Agusan del Norte dahil sa pagmimina ng nickel sa lugar.

Tunghayan ang buong kuwento bukas sa Failon Ngayon, 4:30 p.m., sa ABS-CBN. Mag-komento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon.

AGUSAN

ANO

BABALIKAN

BUBUWELTAHAN

BUREAU OF CUSTOMS

FAILON NGAYON

METALS INCORPORATED

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RUFFY BIAZON

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with