^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong grabeng lampungan ang ginawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

This week na ang storycon ng comedy show na gagawin ni Marian Rivera sa GMA 7 pero hindi ito ipapalit sa nawalang Pe­pito Manaloto gaya nang na­balita. Sa ibang time slot ito ilalagay pero wala pang balita.

Ayaw pa ring kumpirmahin sa amin kung totoong makakasama ni Marian si Barbie Forteza at papalitan ni Roderick Paulate si John “Sweet” Lapus. Hindi na yata puwede si Sweet dahil kasama siya sa action-drama series na Makapiling Kang Muli.

Samantala, inaabangan na ng fans nina Marian at Dingdong Dantes ang love scene nila para sa My Beloved na kinunan pa ni Direk Dom Zapata sa resort, kung saan sila nag-taping ng Ma­rimar. Kuwento ni Marian, maraming alaalang nagbalik sa kanya nang muling makarating sa resort.

Dahil sa love scene nila sa My Beloved, tama lang na ilipat sa mas late na time slot ang soap ng dalawa.

Edgar Allan nag-sorry sa manager

Kaya pala nag-sorry si Edgar Allan Guzman nang tanggapin ang trophy sa napanalunang Breakthrough Performance by an Actor sa 9th Golden Screen Awards dahil more than one month na silang hindi nag-uusap ng manager niyang si Noel Ferrer. Sa Teatrino lang sila muling nagkita’t nagkausap.

Humanga pa naman kami sa acceptance speech ng young actor, kung saan inamin ang pagkakamali niya at nangakong magiging mabuti at better siya this year. Kasama na kaya rito ang pagbabalik niya sa kanyang pamilya dahil nagliligpit na raw si Edgar ng mga gamit mula sa place nila ng girlfriend na si Jolan Velus at babalik na sa bahay nila, kung saan matagal na siyang hinihintay ng kanyang pamilya?

Hopefully, totohanin na ni Edgar Allan ang pagbalik sa poder ng ina, pero nabasa namin ang tweet ni Jolan at sabi, may blessings ng families nila ang pagsasama nila ni Edgar. Nakakatawa raw ang mga isyu dahil “they don’t know the whole story,” sabi pa nito.

Julie Anne naka-take seven sa halikan nila ni Elmo

Ini-announce na ni Julie Anne San Jose sa Showbiz Central na May 4 ang showing ng Just One Summer, ang launching movie nila ni Elmo Magalona sa GMA Films. Nang i-check namin sa calendar, Friday pumatak ang nasabing petsa at ang alam namin ay walang local movie na nag-o-open ng Bi­yernes.

Hindi kaya sa May 9 ang grand opening ng movie sa direksiyon ni Mac Alejandre? Tinotoo ni Julie Anne ang sinabi sa isang interview na gagawin niya kung may kissing scene sila ng ka-love team dahil kasama ito sa trabaho niya.

May kissing scene nga ang dalawa na inabot ng take seven na naipaliwanag naman ng maa­yos ng dalaga kung bakit inabot ng ganun karaming takes. First kiss niya ’yun at ngayon lang siya gagawa ng movie, kaya ninerbiyos pa.

Bukod sa pelikula, pag-iipunan din ng JuliElmo fans ang release ng album ni Julie Anne under GMA Records na may sampung kanta.

Aktor na walang kontrata sa Dos sunud-sunod ang trabaho

Nag-audition si Lemuel Pelayo para makasama sa cast ng ABS-CBN soap na Kapag Puso’y Sinugatan at dasal nito ay makuha siya dahil gusto niyang makasama sina Gabby Concepcion, Jodi Sta. Maria, at Iza Calzado at madidirek siya ni Wenn Deramas.

Okay lang sa kanya kahit kontrabida ang ibigay na role, basta makatrabaho lang niya ang mga nabanggit dahil alam niyang marami siyang matututunan.

Walang kontrata sa ABS-CBN si Lemuel, kaya tuwang-tuwa na binibigyan siya ng sunud-sunod na project. Sa ngayon, napapanood siya sa Angelito Ang Batang Ama.

Incidentally, iniimbitahan ni Lemuel ang fans niya na maki-chat sa kanya 4:00-5:00 p.m. today sa Kapamilya chat.  Sasagutin niya lahat ng tanong.

vuukle comment

ANGELITO ANG BATANG AMA

BARBIE FORTEZA

BREAKTHROUGH PERFORMANCE

DAHIL

DINGDONG DANTES

EDGAR ALLAN

JULIE ANNE

MY BELOVED

NILA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with