Budoy magpapaalam na!
MANILA, Philippines - Mapangahas na sasakupin ng ASAP 2012 ang mundo ng telebisyon ngayong Linggo (Marso 4) sa pamumuno ng hindi mapapantayang ganda at talento ng ASAP Kapamilya na pangungunahan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa isang madamdaming performance sa With Love, Gary V.
Sa pagbukas ng buwan ng mga kababaihan, yayanig ang ASAP dancefloor sa sumisiklab na production number ng Supah Hot ASAP girls na sina Cristine Reyes, Iza Calzado, Maja Salvador at KC Concepcion; at mag-aalay naman ng isang ‘di malilimutang tribute sa mga kababaihan ang Ultimate Men ng ASAP. Samantala, abangan din ang pagpapakilig ng hottest idols na sina Xian Lim, Matteo Guidicelli at Markki Stroem.
Tiyak na mapapahanga ang lahat sa nakakaantig ng pusong pag-awit ng Starpower Champ na si Angeline Quinto sa Angeline on Q; sa multi-platinum record ng Pinoy Champ na si Jovit Baldivino; at sa full concert experience na ihahandog ng ASAP Sessionistas. Ipapamalas namang muli ang kagalingan sa pag-awit ng bigating stars ng ASAP na sina Concert King Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Vina Morales, Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, Nikki Gil, at Karylle.
Huwag palampasin ang pagbisita ng dalawa sa pinakabagong Kapamilya teleserye kasama sina Piolo Pascual, Maricar Reyes at Jericho Rosales ng Dahil sa Pag-ibig at ang magical cast ng Wako-Wako; samantalang isang pamamaalam at pasasalamat naman ang handog ng cast ng Budoy sa pangunguna nina Gerald Anderson.
Isang sorpresang duet naman ang bitbit ng lead stars ng pinakabagong movie ng Star Cinema na Corazon: Ang Unang Aswang na sina Erich Gonzales at Derek Ramsay para sa mga Kapamilya.
Palalaganapin naman nina Enrique, Enchong Dee, Sam Concepcion, Rayver Cruz, Iya Villania, Empress at John Prats ang Dougie Fever sa Supahdance.
- Latest























