Pinay pasok sa top 13 ng American Idol
SEEN : Si Annabelle Rama sa 60th birthday party ni Wilma Galvante sa Imperial Palace Suites noong Huwebes ng gabi.
Sinabi ni Annabelle na tumatanaw siya ng utang na loob kay Wilma dahil ito ang nagbigay ng break sa kanyang anak na si Raymond Gutierrez upang maging television host.
Scene : Dumalo si Congressman Manny Pacquiao sa birthday party ni Wilma Galvante at nag-dedicate siya ng kanta sa former GMA 7 executive.
Seen : Interesado pa rin si TV5 owner Manny Pangilinan na magkaroon ng malaking share sa GMA Network Inc. pero itinanggi niya na may negotiation na namamagitan sa kanila ng mga may-ari ng Kapuso network.
Scene : Pasok sa Top 13 contestants ng American Idol Season 11 si Jessica Sanchez, ang Fil-American na binigyan ng standing ovation ng mga judge ng show dahil sa kanyang husay sa pagkanta.
Seen : Umaasa si Janelle Manahan na makakatulong ang paglalagay kay Ramona Bautista sa Most Wanted Persons List ng Interpol upang maibalik sa Pilipinas ang isa sa mga suspect sa pagpatay sa kanyang boyfriend na si Ram Revilla.
Scene : Inabsuwelto ni Edward Mendez ang sarili. Hindi raw siya ang dahilan ng break-up nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.
Mapapanood si Edward sa Dahil Sa Pag-Ibig, ang primetime show ng ABS-CBN na magsisimula sa March 12.
Seen : Ang mag-asawang Senator Bong Revilla, Jr. at House Representative Lani Mercado sa unang araw ng burol noong Huwebes ni Congressman Iggy Arroyo sa ancestral house ng mga Arroyo sa La Vista, Quezon City.
Scene : Wala si Rhian Ramos sa grand presscon ng My Kontrabida Girl noong Huwebes dahil sa pictorial niya sa People Asia magazine.
- Latest





















