^

PSN Showbiz

Phil ibinilin si Angel sa piloto

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang sweet ni Phil Younghusband kay Angel Locsin, nabasa namin ang tweet nito bago umalis si Angel Locsin for Los Angeles para sa premiere ng Unofficially Yours sa Alex Theater sa February 24.

Tweet ni Phil : “Dear Mr. Pilot, please take care of my love as she will be flying on your plane. Please may you fly safe and looking after her. Maraming salamat po!”

Sobrang successful ang showing ng Star Cinema movie nina Angel at John Lloyd Cruz dito dahil as of Wednesday evening, umabot na sa P100 million ang box-office gross ng movie. Tiyak na hihingi ng kasunod na pelikula ang nakapanood nito.

Rhian nakikiramdam pa kung puwede nang bumalik

Wala si Rhian Ramos sa presscon ng The Road, kung saan, very important ang role niya at sabi sa amin, pinapakiramdaman pa kung puwede na siyang iharap sa press. Ipapa-interview din ito ng solo gaya ni Aljur Abrenica hindi lang para sa The Road, kundi para na rin sa My Kontrabida Girl na March 14 ang playdate.

Na-miss na raw niyang mag-perform at ang kanyang fans, kaya tuwang-tuwa nang makita ang supporters na may hawak pang banner niya.

Isa ang pangalan ni Rhian sa nababanggit na dadalhin ng GMA Films sa red carpet premiere ng The Road sa L.A. Live bago ang screening sa May 11.

Angelicopter kumpirmadong sinibak bilang DJ

Inaabangan namin ang sagot ni Angelicopter o Angelika Scheming sa inilabas na official statement ng Magig 89.9 tungkol sa pagkaka-terminate sa kanya bilang isa sa hosts ng Goodtimes. Kasama niya sa radio program sina Mo Twis­ter, Mojo at Grace Lee.

Ayon statement na mula kay Mr. Andrew Santiago, Station Manager, walang kinalaman ang conflict nina Grace at Angelicopter sa pagkaka-terminate sa huli. Early January pa raw, ‘di na pinapasok si Angelicopter at wala pang President Noynoy Aquino at Grace isyu.

Pero bakit nagpasalamat si Grace sa suporta sa kanya ng station? “Station didn’t have to…but thank you boss,” tweet nito. Sinundan pa ng “Thank you every­one, you all make my day easier.”

Kahit wala na sa radio, napapanood si Angelicopter bilang PBA courtside reporter for AKTV ng TV5.

Ang alam namin, talent siya ng Royale Artists Management ni Annabelle Rama.

Jillian at mona gagawan ng BFF

Sa mga naghihintay ng next project ni Jillian Ward at next soap ni Mona Louise Rey na tampok sa Mun­ting Heredera, maghintay-hintay lang daw dahil may malaking project ang GMA 7 sa dalawang ba­gets.

Ang balita namin, pagsasamahin sina Jillian at Mona sa isang soap na may tentative title na BFF.

Inaalam pa namin kung sino ang magdidirek ng BFF at kung sino ang makakasama ng dalawang ba­gets sa cast dahil sa second quarter pa ito at papalit sa mga tumatakbong soap ngayon. Sabi, kasama raw sa cast si Gloria Romero, paano ang Rancho na sabi’y kasama rin ang veteran actress sa cast.

vuukle comment

ALEX THEATER

ALJUR ABRENICA

ANGEL LOCSIN

ANGELICOPTER

ANGELIKA SCHEMING

ANNABELLE RAMA

EARLY JANUARY

GLORIA ROMERO

GRACE LEE

JILLIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with