^

PSN Showbiz

Pacman malapit nang maging pastor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Pinatunayan ni Jinkee Pacquiao ang mala­king pagbabago sa ugali ng kanyang mister na si Congressman Manny Pacquiao.

Hindi maipaliwanag ni Jinkee ang happiness na nararamdaman dahil natupad ang mga dasal niya para sa kanyang better half.

Big influence kay Papa Manny ang pagbabasa niya ng Bible at ang mga prayer meetings na pinupuntahan. Puro tungkol sa salita ng Diyos ang lu­malabas mula sa bibig ni Papa Manny kaya hindi malayo na maging preacher o pastor siya balang araw.

Dirty ice cream special request ni Shalani sa reception ng kasal nila ni Roman, hindi na rin sasakay ng helicopter

Kahit busy na siya sa paghahanda sa kasal nila ngayon ni Congressman Roman Romulo, hindi nakakalimot si Shalani Soledad na mag-text sa akin at i-remind na huwag na hindi ako sisipot sa kanilang wedding day.

Katulong ni Shalani sa pagpapaalala ang kanyang madir na si Evelyn Soledad-Yumul. Bihira kaming magkita ni Evelyn kaya mahigpit ang bilin nito na magkita at magkuwentuhan kami mamaya sa importanteng araw sa buhay ng kanyang unica hija.

Hindi na matutuloy ang plano na isang helicopter ang magdadala kay Shalani sa simbahan na pagdarausan ng kasal nila ni Papa Roman.

Hindi na rin susunduin si Shalani mula sa isang five-star hotel dahil napagkasunduan na mag-stay siya sa undisclosed place sa Tagaytay City at dito siya manggagaling papunta sa St. Benedict Church.

Paborito ni Shalani ang dirty ice cream na nakalagay sa ice cream cart. Hindi dapat magulat ang mga bisita kapag nakakita sila ng ice cream cart sa wedding reception dahil ’yon ang special request ni Shalani.

Kapag sinabi na ice cream cart, ito ang ordinary cart na ginagamit ng mga sorbetero na naglalako ng ice cream sa kalsada. Hindi ang mga sosyal na ice cream cart na nakikita sa children’s party ng mga richie-rich.

Gladys na-guilty, ama hindi natulungan bago namatay sa aksidente sa motorsiklo

Obvious na may guilt na nararamdaman si Gladys Guevarra sa pagpanaw ng kanyang ama noong Jan. 15.

Namatay si Robert Guevarra dahil sa motorcycle accident. Pinaniniwalaan na inatake sa puso ang 66-year-old father ni Gladys dahil sa naganap na aksidente.

Mismong si Gladys ang nagsabi na prodigal daughter siya at tila pu­manaw ang kanyang ama na may tampuhan sila.

Nang mainterbyu si Gladys ng Startalk staff, halata sa kanyang mga statements na nakokonsensiya siya dahil hindi niya napag-ukulan ng sapat na panahon ang ama noong nabubuhay pa ito.

Jenny Syquia kasama ang pamilya sa bakasyon

Nakatanggap ako ng text message mula kay Jenny Syquia na naririto sa Pilipinas. Kasama ni Jenny ang kanyang asawa at mga anak. Malamang na magkita kami ni Jenny at ng kanyang anak na si Chloe para magkumustahan at magbalitaan.

Hindi man kami nagkakausap, updated ako sa mga nangyayari sa buhay ni Jenny sa Sweden dahil may constant communication sila ng aking anak na si Sneezy.

vuukle comment

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

CONGRESSMAN ROMAN ROMULO

GLADYS

JENNY SYQUIA

KANYANG

PAPA MANNY

SHALANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with