^

PSN Showbiz

Actress madalas makatulog sa banyo!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Madalas palang makatulog sa comfort room ang isang actress.

Yup, as in kahit daw nasa bath tub lang ito at nagre-relax lang, aba nakakatulog na raw ito kuwento ng malapit sa actress.

Minsan daw ay tinatawag na ito at hindi na sumasagot dahil nakatulog na nga sa loob ng banyo, ayun kailangan pa raw gisingin.

Actually, kahit daw nag-e-emote lang ito sa toilet bowl, may pagkakataong nakakatulog na ito.

Naku ‘di ba parang delikado ito.

Baka mamaya malunod na lang siya lalo na sa bath tub o kaya mabagok at mapasama ang bagsak sa sahig ng comfort room niya sa kuwarto.

Matapos maudlot ng ilang beses MH, tuloy na ang wakas

Matapos mamayagpag ng siyam na buwan sa primetime, nakatakda nang magwakas ang pinag-usapang family-drama ng GMA 7 na Munting Heredera (MH). Mapapanood ang finale week ng program simula January 30 to February 3 sa GMA Telebabad.

 Dahil sa naging mainit na pagtanggap, binigyan ito ng sunod-sunod na extension kaya’t umabot ng 39 na linggo sa ere. Nakamit nito ang pinaka-mataas nitong audience share noong August 30 matapos makapagtala ng 49.5 points sa Mega Manila.

 Naging usap-usapan din ang Munting Heredera sa mga social networking sites kung saan paboritong paksa ng mga internet users ang mga bagong kaganapan sa kwento.

 Habang patuloy ang paghahanap sa nawawalang tagapagmana, umikot din ang kwento sa buhay ng bawat tauhan na may kani-kaniya ring rebelasyon sa isa sa masasabing pinaka-matagumpay at di-malilimutang drama ng GMA.

 Sa pinaka-aabangang finale week, maraming matitinding eksena at pasabog ang dapat pang abangan sa show.

Pag-alis ni Billy papuntang Europe naudlot na naman

Malapit nang mapanood ang pinakabagong teleserye na kukumpleto sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Maituturing na isang casting coup ang nasabing teleserye dahil sa bagong kombinasyon ng mga artista. Ang Mundo Man ay Magunaw ay pagsasamahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na batang aktor at promising na artista kabilang sina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro, Tessie Tomas, at Eula Valdes.

Ayon kay Eula, marami ang makaka-relate sa kuwento ng kanilang bagong show, lalo na ang mga ina. “Ang karakter ko rito ay isang mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para makasama ang mga anak niya,” say niya.

 Masaya naman si Empress sa panibagong pagkakataong bumida sa panghapong teleserye ng ABS-CBN.

“Excited akong mapanood nila ito kasi ngayon lang ako gagawa ng mas mature na role. Mabuting anak ako rito pero pa-laban. Kakaiba rin dito si Ms. Eula dahil parang ngayon lang siya hindi kontrabida,” ani ni Empress.

Bago naman sa acting career ni Nikki ang kanyang gagampanan bilang bida-kontrabida sa karakter niyang puno ng ambisyon at naghahanap ng pagtanggap. “Ako po rito si Jennifer La Peña. Isa po akong matapang na babae na gustong mapatunayan sa lola ko na ako ang karapat-dapat na tagapagmana niya,” kuwento ni Nikki.

Speaking of Nikki, siguradong masaya siya dahil balitang naudlot na naman ang plano ng boyfriend niyang si Billy Crawford na pagbalik sa Europe. 

vuukle comment

ALEX CASTRO

ALLAN PAULE

ANG MUNDO MAN

BILLY CRAWFORD

DIANNE MEDINA

EJAY FALCON

EULA VALDES

MUNTING HEREDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with