^

PSN Showbiz

Finale ng The X Factor via satellite sa Studio 23

-

MANILA, Philippines - Magpapasiklaban na sa kantahan sina Melanie Amaro, Josh Krajcik, at Chris Rene para patunayang sila ang karapat-dapat na tanghaling pinakaunang kampeyon ng The X Factor USA ngayong Huwebes (Dec 22) at Biyernes (Dec 23) live via satellite sa ganap na 7:00 p.m. via Studio 23.

Ang magwawagi sa kumpetisyon ay bibigyan ng US$ 5 million Sony recording contract at may pagkakataong magtanghal sa taunang Pepsi Superbowl.

Hindi lamang ito labanan ng tatlong finalist acts kung hindi banggaan din ng tatlo sa mga hurado dahil si Melanie ay alaga ni Simon Cowell, si Josh naman kay Nicole Scher­zinger, at si Chris Rene ay kay L.A. Reid. Wala naman sa mga grupo ni Paula Abdul ang umabot sa finals.

Sino nga kaya ang pipiliin ng America para manalo?

Hindi pa man napapangalanan ang unang winner ng The X Factor ay nakakasa na agad ang second season nito. Hahanapin na rin kung sino sa mga Pinoy ang may X factor sa pagsisimula ng The X Factor Philippines na mapapanood malapit na sa ABS-CBN.

vuukle comment

BIYERNES

CHRIS RENE

JOSH KRAJCIK

MELANIE AMARO

NICOLE SCHER

PAULA ABDUL

PEPSI SUPERBOWL

SIMON COWELL

X FACTOR

X FACTOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with