^

PSN Showbiz

My Girl hunk, magbablik-Kapamilya

-

MANILA, Philippines - Ano ba ang gagawin mo kung nalalapit na ang oras mo sa mundo? Tunghayan kung paano sasagutin ng pinakabagong karakter na inyong mamahalin tuwing hapon na si Helena— ang katanungang ito sa pag-uumpisa ng pina­kabagong Koreanovela na Helena’s Promise na nagsimula kahapon, Lunes (Nov. 14) sa Kapamilya Gold.

Dito magtatambal ang multi-awarded Korean actress na si Kim Seon-Ah at nagbabalik tele­bisyon na si Lee Dong-Wook ng My Girl.

Sa kanyang edad na 30, si Helena ay wala nang pakialam mag-ayos at nakatuon na ang buo niyang atensiyon sa kanyang trabaho. Ngunit, magbabago ang lahat ng ito nang malaman niyang may sakit na gall bladder cancer at may anim na buwan na lang para mabuhay.

Kaya naman sa halip na malugmok ay pinili ni Helena na lubusin ang nalalabi niyang buhay ng masaya. Gumawa pa siya ng bucket list o mga pangakong gagawin habang siya ay nabubuhay. Nariyan ang pagpapamake-over, pagpunta sa ibang bansa, at maging ang maka-date isang napakaguwapong lalaki.

Darating sa eksena si William, isang matipuno, guwapo, at mayamang businessman, na bagama’t tila masaya at wala ng hahanapin pa sa buhay ay may ikinubli palang sugat dala ng panghahamak ng sariling ama.

Sa kanilang pagkakatagpo, mapunan kaya nila ang pagkukulang na hina­hanap sa kanilang mga buhay? Maipangako kaya ni Helena ang puso niya kay William?

Ang Helena’s Promise ay napapanood pagkatapos ng Happy Yipee Yehey sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANG HELENA

ANO

DITO

GUMAWA

HAPPY YIPEE YEHEY

HELENA

KAPAMILYA GOLD

KIM SEON-AH

LEE DONG-WOOK

MY GIRL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with