^

PSN Showbiz

GMA 7 sinimulan na ang maagang Pasko

-

MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, Nov. 7, isang maagang pamasko ang handog ng Kapuso station sa pama-magitan ng pinakabagong interactive game show na Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Win Mo Pamasko!  

Ang mga Kapuso celebrities pa mismo ang maglalaro para manalo ng limpak-limpak na papremyo ang mga masusuwerteng home partners mula sa iba’t ibang sulok ng bansa. 

Para sumali, isulat lamang sa isang papel ang pangalan, address, telephone number, at pirma, at ilagay sa isang legal size white envelope kasama ang isang proof of purchase. Para sa kumpletong listahan ng mga sponsors, aba­ngan lamang ang mga Win Mo, Pamasko promo plugs sa GMA at GMA News TV. 

Sa likod ng envelope, isulat ang Win Mo, Pamasko, brand ng kalakip na entry, at area kung saan nakatira (Luzon, Visayas, Mindanao, o NCR). Maaaring ihulog ang entries sa GMA Network Center, GMA Regional TV/Radio stations, o selected Mercury Drugstore nationwide. 

Ang mga mabubunot na home partners ay i-aannounce tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyer­nes sa GMA bago mag Kapuso Movie Festival at bago mag-Daldalita, at sa GMA News TV naman bago mag-Quickfire sa umaga gayon din sa hapon. 

Sa isang episode, ang apat na pangalan na mabubunot ay ire-represent ng mga Kapuso stars. Ang mga Kapuso celebrities ay hahatiin naman sa dalawang teams, at siyang maghaharap sa mga inihandang games ng programa.

Ang mga masusuwerteng home partners ay mag-uuwi ng tig-5,000 pesos bukod pa sa mapapanalunan ng mga celebrity players. Ang mapapanalunan ng bawat teams ay hahatiin sa pagitan ng kani-kanilang mga home partners.

Para sa kumpletong detalye, abangan lamang ang mga Win Mo, Pamasko plugs o tumawag sa promo hotlines sa 925-7372 (Metro Manila) o 1-1-800-925-7372 (outside Metro Manila). Maaari ring mag-log on sa www.gmanetwork.com/winmopamasko.

 Sa pangunguna ng game master at veteran host na si Joey de Leon, abangan ang Suwerteng-Suwerte sa Siyete: Win Mo Pamasko! simula ngayong Lunes sa GMA, na may simultaneous telecast din sa GMA News TV.

vuukle comment

GMA

KAPUSO

KAPUSO MOVIE FESTIVAL

METRO MANILA

NETWORK CENTER

PAMASKO

SIYETE

WIN MO

WIN MO PAMASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with