^

PSN Showbiz

Robin umatras na sa MMFF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Nakausap na rin ni Lito Camo si Manay Lolit Solis kamakalawa ng hapon at natalakan ito nang husto ng TV host.

Maayos namang naipaliwanag ni Lito kay Manay Lolit ang issue at itinanggi nitong hindi siya ang nagkalat ng balita na siya (Lolit) ang nagkalat ng tsismis kundi narinig din niya sa ibang tao.

Mukhang hindi naman nakumbinse ni Lito si Manay Lolit, kaya ewan ko lang kung may sasa­bihin pa siya sa Startalk bukas.

PAK : Totoo kayang tuluyan nang inatras ni Robin Padilla ang entry niya sa Metro Manila Film Festival na Mr. Wong?

Kaya ang ipapalit daw sa slot na mabakante ay ang entry ni Gov. ER Ejercito na Asiong Salonga.

Matagal na raw tapos ang shooting ng pelikulang ito ni ER at tinatapos na lang post-production.

BOOM : Natawa na lang ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa lu­mabas na intrigang hiwalay na raw sila.

Parehong abala ang mag-asawa sa taping ng dalawang drama series sa ABS CBN 2 na pinagsamahan nila. Kaya ayaw na lang daw nilang patulan pa ang ganung intriga.

Bakit daw ngayon pa ito naglalabasan na halos araw-araw ay magkasama sila sa trabaho at nakatakda pa nga silang magbakasyon sa Amerika sa susunod na buwan.   

Gusto lang iparating ni Boyet na wala nang makaka­paghiwalay sa kanila dahil ang dami na raw nilang napagdaanan sa loob ng 32 years na pagsasama nila.

Sabi naman ni Sandy, sa edad nilang ito ay  hindi na isyu sa kanila ang pag-aaway o problemang mag-asawa, lalo na ang hiwalayan.

Tigilan na raw sana ang ganun ka-cheap na intriga.

                                                                             

vuukle comment

ASIONG SALONGA

KAYA

LITO

LITO CAMO

MANAY LOLIT

MANAY LOLIT SOLIS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. WONG

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with