^

PSN Showbiz

Yasmien at Baron

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Isinumite ng dalawang StarStruck avengers na sina Vivo Ouano at Jeric Rizalado ang kanilang counter-affidavit sa Department of Justice (DoJ) nung isang araw kaugnay sa pagkahuli sa kanila ng mga pulis kung saan nadamay sila sa isinagawang buy-bust operation nung nakaraang linggo.

Nakatakda pa silang bumalik sa Biyernes dahil meron pa silang isang kasama na hindi nakapagsumite ng counter-affidavit.

Kaya lang ang masaklap, patuloy pa rin silang naka-detain sa Camp Crame hanggang sa mapagdesisyunan ng Prosecutor kung iaakyat ang kaso.

Marami ang nanghinayang sa dalawang young actor lalo na kay Vivo dahil ang laki nang ipinagbago ngayon ni Vivo at mukhang promising na ang career nito kaso nadamay siya sa ganitong kaso.

PAK : Minsan ay nag-pinchhit itong si mestisang aktres sa isang lifestyle show dahil absent ang host.

Naabutan niya sa dressing room ang isang kila­lang makeup artist na co-host ng naturang show.

Tinanong ni mestisang aktres si makeup artist kung ito ang magmi-makeup sa kanya. Sinagot siya na hindi dahil co-host ito. Meron daw ibang magmi-make up sa kanya.

Pero hindi pa rin tumigil si mestisang aktres, kinukulit talaga nito si make up artist na ito na ang mag-aayos sa kanya. Sa irita ni makeup artist, nilayasan niya ito ng dressing room.

Pati ang ilang staff ay irita na rin kay mestisang aktres dahil iba na ang ere nito sa set porke’t nakapagbida na siya sa isang drama series.

BOOM : Nagkaroon ng presscon sina Baron Geisler at Yasmien Kurdi kagabi sa may Pepetons at ang pagkakaalam namin, nagkaayos na ang dalawa at hindi na itutuloy ni Yasmien ang kasong isinampa kay Baron.

As of presstime, ’yun ang narinig namin na nagkausap na ang abogado ng dalawang kampo na magkaayos na lang.

Nakahanda naman si Baron na magbigay ng public apology kay Yasmien.

vuukle comment

BARON GEISLER

BIYERNES

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISINUMITE

JERIC RIZALADO

KAYA

VIVO OUANO

YASMIEN

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with