^

PSN Showbiz

Isabelle, takot kay Marian

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sinabi ni Isabelle Daza sa press visit para sa Futbolilits na hindi naman siya naapektuhan kung nawala man sa programa ni Manny Pacquiao.

Tanggap nito na mas kailangan ng programa ng seasoned hosts at kaila­ngan pa siyang mahasa rito.

Practical at mabait ang kanyang mommy Gloria Diaz at hindi naman ito mapili sa lalaking mamahalin niya. Basta’t ang sabi nito ay collect and select. Madalas silang mag-tennis ng mommy niya at tinuturuan siya nitong magluto ng pasta, steak at chicken.

Tinanong din namin si Isabelle kung sino ang crush niya.

“Type ko si John Lloyd Cruz dahil cute siya at ma­galing talagang umarte. Si Dingdong Dantes din kaya lang nakakatakot ang kanyang girlfriend,” anang aktres.

Nova pinamimigay sa madre ang inaaning mga gulay

Maganda at tahimik ang buhay-may-asawa ni Nova Villa kung saan may farm sila sa Tagaytay. At ang inaaning gulay at prutas ay ibinibigay niya sa mga kaibigang madre. Very religious ang aktres.

Natutuwa nitong ikinuwento ang kanyang buhay-artista kung saan mismong si Fernando Poe Jr. ang nakakita sa kanya at ginawa siyang leading lady sa edad ng 15 anyos. Sampung piso ang natanggap niya talent fee pero ang dami niyang nabili para sa gagamiting costume.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

FERNANDO POE JR

FUTBOLILITS

GLORIA DIAZ

ISABELLE DAZA

JOHN LLOYD CRUZ

MADALAS

MAGANDA

NOVA VILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with