^

PSN Showbiz

Susan Roces 'makakalaban' si Helen Gamboa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May presscon si Ms. Susan Roces this Monday para sa RiteMed na kanyang ini-endorse at talagang epektibo ang kanyang TVC (TV commercial) dahil nabuksan ang isip ng tao na safe ang mga generic na gamot ng RiteMed kahit mas mura sa presyo. Two storyboards ang ginawa nito, kaya may two versions ang kanyang TVC.

Maraming puwedeng itanong kay Ms. Susan at isa na rito ang pagbabalik niya sa ABS-CBN after lumabas sa TV5. Kumpirmahin kaya nito na ang remake ng Hihintayin Kita sa Langit ang gagawin niya sa ABS-CBN?

Nasulat nang kasama sa cast sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, bida sa original at movie version ng Hihintayin Kita sa Langit, at kasama rin sina Coco Martin, Julia Montes, pati si Paulo Avelino. Kasama rin daw si Helen Gamboa at siya ang makakalaban ni Ms. Susan. Powerful cast lang ang masasabi namin!

Antonio, mga ‘bata’ ang tingin kina Sam at Gwen

Inamin ni Antonio Aquitania na 36 years old na siya at thankful na binibigyan siya ng ibang shows ng GMA 7 bukod sa Bubble Gang. Kontrabida siya sa Pahiram ng Isang Ina at nagbirong magpapakasalbahe na lang siya para marami siyang trabaho at mas tumatatak sa mga viewers.

Inamin din ni Antonio na takot siya kay Direk Joel Lamangan at two projects na ng direktor ang kanyang tinanggihan. Dapat kasama siya sa Beauty Queen at isa pang hindi niya maalala ang title, pero hindi natuloy.

Sa Pahiram…, niya napatunayang wala siyang dapat ikatakot at masarap katrabaho si Direk Joel. Mas hinuhusayan naman niya ang acting and he makes it a point na memoryado niya ang lines niya pagdating sa set.

Samantala, 16 years na sa Bubble Gang si Antonio at “magagandang bata” ang tawag kina Gwen Zamora, Ellen Adarna, at Sam Pinto. Hanggang paghanga na lang siya’t alam na hindi type ng mga ito ang may mga edad.

BF ni Maxene tanggap ng buong Magalona

Present si Pia Magalona at lahat ng Magalona siblings sa launching ng Francis Magalona Foundation (FMF) para ipagpatuloy ang legacy ni Francis Magalona. Dumalo rin sa event ang BF ni Maxene na si Neil Arce.

Find Meaning in the Filipino ang ibig sabihin ng FMF at ito rin ang central campaign ng foundation. Nakipag-partner ang foundation sa The One Core Success Center “to offer personal development programming to guide each one in Finding Meaning in the Filipino.”

Dahil wala pang trabaho sa Kapuso, Direk Joel magiging Kapatid muna

After Pahiram ng Isang Ina ng GMA 7, sa TV5 muna magtatrabaho si Joel Lamangan dahil tinanggap nito ang offer ng Archangel Media na idirehe ang remake ng Valiente. Sabi ni Direk Joel, hindi niya matanggihan ang offer ni Mr. Tony Tuviera dahil kaibigan at mabait ito sa kanya at wala pa naman siyang next project sa Channel 7, kaya lilipat muna siya at babalik din after.

Three taping days na lang si Direk Joel sa Pahiram ng Isang Ina at isusunod niya ang taping ng Valiente na may February 2012 airing. Excited na si JC de Vera na muling makatrabaho si Direk Joel dahil siya ang gaganap sa role na unang ginawa ni Michael de Mesa. Si Oyo Sotto naman ang gaganap sa role ni Tirso Cruz III.

Ang balita ni Direk Joel, pauuwiin ng Archangel at TV5 si Michael, pero ma­labong makasama si Tirso dahil nasa Budoy ito ng ABS-CBN at may naka-line up pang two projects.

vuukle comment

BUBBLE GANG

DIREK JOEL

FRANCIS MAGALONA

HIHINTAYIN KITA

ISANG INA

JOEL

JOEL LAMANGAN

MS. SUSAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with