^

PSN Showbiz

Erik nagsinungaling!

- SEEN SCENE -

SEEN : May anggulo na kamukha si Vice Ganda ni Eve­lyn Vargas sa mga eksena niya sa Praybeyt Benjamin.

SCENE : Nakaka-distract panoorin si Karen Davila sa Bandila dahil sa kanyang noo na may mga kulubot na tila epekto ng skin peeling.

SEEN : Hindi pang-gentleman ang trato ni Erik Santos sa staff ng Backroom, Inc. Lumabas na ang katotohanan na pinatalsik si Erik mula sa Backroom, hindi totoo na kusa ang kanyang pag-alis.

Nagsinungaling siya sa marami.

SCENE : Standing ovation ang ibinigay ng audience kina Leo Valdez, Joanna Ampil, at Ima Castro sa unang gabi ng pagtatanghal ng Broadway Showstoppers sa Newport Theater ng Resorts World noong Martes.

Hindi naging hadlang ang bagyong Pedring upang hindi matuloy ang show.

SEEN : Ang pasasalamat ng fans ni Maricel Soriano sa Regal Entertainment, Inc. dahil isinali siya sa cast ng MMFF 2011 entry, ang Yesterday, Today and Tomorrow.

SCENE : Replay ang Eat Bulaga noong Martes dahil sa bagyong Pedring.

SEEN : Kailangan ni Nora Aunor ng facial treatment para ma-relax ang kanyang pagod na mukha.

SCENE : Tumanggi si Vice Ganda na sabihin ang mga dahilan ng problema nila ng kanyang manager na si Ogie Diaz. Inamin ni Vice na hindi sila nag-uusap ni Ogie dahil may problema sila.

Say niya, “‘Di po kami masyadong okay ni Ogie pero ’di kami magkaaway. ’Di lang kami masyadong masaya ngayon.”

vuukle comment

BACKROOM

BROADWAY SHOWSTOPPERS

EAT BULAGA

ERIK SANTOS

IMA CASTRO

JOANNA AMPIL

KAREN DAVILA

LEO VALDEZ

MARICEL SORIANO

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with